ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Pag-ibig na hanggang kamatayan, tampok sa 'Wagas'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.


For better or worse, for richer or poorer, in sickness and in health, 'til death do us part—bago pa man dumating ang sandaling sasambitin nina Annalyn and Ronnick ang napakamakahulugang sumpaan sa harap ng altar, nagkaron na ng wakas ang kanilang pagsasama.
 
Bisperas ng kanilang pinakahihintay na kasal, isang aksidente ang kumitil sa buhay ni Ronnick. At dahil sa sobrang pagmamahal ni Annalyn kay Ronnick, labag man sa kagustuhan ng marami ay itinuloy niya ang pakikipag-iisang dibdib sa nobyo kahit ito ay nasa kabaong na.  
 
Tampok sina Isabelle Daza at Mikael Daez, abangan ang totoong kwento ng pag-ibig na ito na naging laman ng mga balita noong 2012, at unawain ang kakaibang kahulugan ng pag-ibig hanggang kamatayam.
 
Ito ang handog na kuwento ng Wagas ngayong Sabado, November 2, 7 PM sa GMA News TV.