ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Alapaap: Ang kuwento ng pag-ibig ng dalawang mountaineers sa 'Wagas'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.


Isa raw ”tomboy” noon si Malou. Higit sa sampu ang naging girlfriend niya bago nakilala ang natatanging adan na kanyang inibig—si Mike!
 
Nagtapos ng highschool si Malou sa isang exclusive for girls na eskwelahan kung saan “open secret” daw ang pagkakaron ng ilang estudyante ng relasyon sa isa’t-sa.
 
Bidang-bida sa mga kaklase si Malou dahil husay niya sa sports! Kaya naman marami ang pumayag na makipag-“on” sa kanya.
 
Hanggang sa makatungtong siya ng kolehiyo, makakuha ng diploma at makahanap ng trabaho ay hindi pa rin naisip ni Malou na subukang magkaron ng boyfriend.

Tila pinanindigan niya ang nakasanayang klase ng relasyon…hanggang sa makilala nya si Mike sa isang tree-planting activity kung saan pareho silang volunteer.
 
Napansin daw ni Malou si Mike dahil sa astig daw nitong porma, lalu na ang magarang rubber shoes na suot nito.
Pero ‘di akalain ni Malou na higit pa sa porma ng lalaking ito ang magugustuhan niya.
 
Nagkasundo at unti-unti naging matalik na magkaibigan sina Malou at Mike dahil pareho sila ng mga hilig, gaya ng mountain climbing.



Minsan na ngang nasagip ni Mike ang buhay ni Malou sa bundok nang kamuntikan na itong mahulog sa bangin.
 
Matapos ang insidenteng ‘yun ay naging mas malapit pa ang dalawa. Hanggang sa muli nilang pag-akyat ng bundok kung saan nila napagtantong umiibig na sila sa isa’t-isa.
 
Tampok sina Rafael Rosell at Michelle Madrigal, isa na namang kapana-panabik na kuwento ng pag-ibig ang ihahatid ng Wagas!
 
Abangan ang Wagas: Mga totoong kuwento ng pag-ibig ngayong Sabado, 7 pm, sa GMA News TV.