ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Wagas: Patay na patay sa'yo


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.


Bagong salta sa Caloocan ang binatang si Lani nang makahanap ng bagong trabaho. Regular ang sahod, naka-aircon at “dok” ang tawag sa kanya—bilang isang embalsamador!

Hindi matatakutin si Lani kaya naman natanggap niya agad ang responsibilidad ng pagiging doktor ng patay. Subalit nag-iba ang lahat ng ito nang makilala niya ang maganda, mabait, mahinhin at simpleng si Nenita. Takot sa patay si Nenita at hindi man lang kaya sumisilip sa kabaong!
 
Para makuha ang loob ni Nenita, ginawa ni Lani ang lahat-lahatm, kabilang na ang pag-re-resign sa funeraria.
 
Pero dumating ang panahon na kailangan mamili ni Nenita—ang magpadaig sa kanyang takot at hayaang maghirap ang taong nagmamahal nang labis sa kanya o suportahan ito sa kanyang pambihirang trabaho.
 


Tampok ang tambalang Dion Ignacio at Jackie Rice, abangan ang nakatutuwang kwento ng pag-ibig na ito sa Wagas!
 
Panoorin ngayong Sabado, November 23, 7 pm sa GMA News TV.