Filtered By: Newstv
NewsTV

Second chance: January Isaac and Wade Bodlovic Love Story sa 'Wagas'


Ang commercial model na si January Isaac na gumaganap bilang masiyahing maybahay ay naging abused wife sa tunay na buhay.
 
Ang Amerikanong si Wade Bodlovic naman, bigo rin sa married life. Biktima rin siya ng domestic abuse. 
 
Dahil dito kaya naging takot na muling umibig at magtiwala sina Jan at Wade. Pero naging mapaglaro ang tadhana nang mag-krus ang kanilang landas online.
 
Sabay ng unti-unting paghilom ng sugat sa kanilang puso ay sinubukan nilang makipagkilala sa mga tao sa cyberspace na “single” gaya nila, subalit hindi nila inisip na dito nga nila matatagpuan ang taong nasa kabilang dulo ng mundo man ay kaya pa rin silang pa-ibigin nang wagas!  
 
Sa huli, isa’t-isa nila nahanap ang pag-ibig na kanilang pinapangarap.

Tampok sina Venus Raj at Will Devaughn, abangan ang kuwentong ito sa Wagas ngayong Sabado, January 25, 7 pm sa GMA News TV.
LOADING CONTENT