ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Kuwento ng pag-ibig nina Vince Hizon at Patricia Bermudez, tampok sa 'Wagas'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.


Nagkakilala ang PBA superstar na si Vince Hizon at ang TV reporter/host na si Patricia Bermudez dahil sa koneksyon nila sa isang “common friend.”
 
Matapos magpalitan ng calling cards, nalaman nilang pareho silang nahuhumaling sa philanthropic work. Pareho din silang lumaki sa ibang bansa at mahilig sa outdoor activities bukod sa hilig nila sa sports. Pero kakatwa ang kanilang naging unang date. Kinailangang isugod ng Ginebra star player na si Vince si Patricia dahil sa allergy nito sa kinain nilang seafood. Pero hindi ito naging hadlang para magkita silang muli dahil kahit isang heartthrob si Vince, at lapitin ng mga babaeng fans, ay nabihag na ni Patricia ang puso nito.
 
Hindi nauubusan ng sorpresa ang kanilang pagsasama mula nang maging official ang kanilang relasyon nang sila’y magbiyahe sa Korea. Nariyan ang pagbe-bake ni Vince ng cakes at cookies para kay Patricia, ang pagkakaroon nila ng alagang aso na pinangalanan nilang "Jawo", at ang marriage proposal sa Araneta Coliseum kung saan naging saksi ang buong Pilipinas! 

Ang lahat ng ito, hindi lang nagpatamis kundi nagpatatag sa kanilang pagsasama. Abangan ang isa na namang nakakakilig at nakaka-inspire na kuwento ng pag-ibig sa Wagas,
tampok ang tambalan nina Marco Alcaraz at Andrea Torres. Ngayong Sabado na, March 15, 7 pm sa GMA News TV.