Filtered By: Newstv
NewsTV
Atty. Ferdinand & Judge Dinnah Topacio Love Story sa 'Wagas'
Abugado at tagapagtanggol si Atty. Ferdinand Topacio ng ilang kontrobersyal na personalidad. Dahil sa sipag at prinsipyo, hindi siya basta-basta natitinag, natatakot at sumusuko. Ganito rin si Ferdie pagdating sa pag-ibig.
Matagal bago niya nasuyo at napaibig si Dinnah. Kahit nung dalaga pa si Dinnah, tutok na ito sa pag-aaral. Kahit nung una silang ipakilala ng propesor na ama ni Ferdie sa isa't isa, walang love-at-first sight na nangyari sa pagitan ng dalawa. Di rin kasi tipo ni Ferdie ang mga babaeng maiksi ang buhok tulad ni Dinnah kahit nagagandahan siya dito. Para naman kay Dinnah, cute si Ferdie pero hambog daw ito.
Nagbago ang ihip ng hangin nang muling makita ni Ferdie si Dinnah sa courtroom matapos ang ilang taon. Maganda pa rin si Dinnah pero mahaba na ang buhok nito. Tunay nang mabighani si Ferdie sa dalaga. Pero gaya nang dati, hindi priority ni Dinnah ang paghahanap ng boyfriend o mapapangasawa. Ito ang rason kung bakit hindi naging madali kay Ferdie ang suyuin si Dinah kahit kapwa na silang nasa edad 30's.
Kaya humingi si Ferdie ng palatandaan mula sa Maykapal kung dapat ba niyang ituloy ang panunuyo kay Dinnah. At dumating ang sign na ito noong New Year's Day, taong 1997.
Tampok sina Yasmien Kurdi at Cogie Domingo, abangan ang kuwentong ito sa "Wagas" ngayong darating na Sabado, April 12, 7 pm sa GMA News TV.
More Videos
Most Popular