ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Miriam Quiambao and Ardy Roberto love story sa 'Wagas'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Taong 1999 noong muntikan nang makamit ni Miriam Quiambao ang ikatlo na sanang “Miss Universe” crown ng Pilipinas.
Hindi man niya napanalunan ang mailap na beauty title, naging stepping stone naman ang kanyang pagiging runner-up para maging isang
TV host/actress sa ating bansa.
Subalit mabilis ding tinalikuran ni Miriam ang limelight noon dahil mas pinili niyang mag-focus sa pagiging asawa ng kanyang mister na iba ang lahi, at nakabase sa ibang bansa.
Sa kasamaang palad ay hindi naging successful ang marriage life ng beauty queen. Kaya naman nagbalik din siya sa Pilipinas para makabangon mula sa isa sa pinakamasakit na yugto ng kanyang buhay.
Sa kanyang pagbangon at muling paghahanap ng sarili, nakilala ni Miriam si Ardy, na tinuturing niyang mentor at “kuya-kuyahan” sa isa sa mga organisasyong kinabibilangan niya.

Naging mabuting magkaibigan sina Miriam at Ardy. Kaya naman naroon din si Miriam sa tabi ni Ardy nang sumakabilang-buhay ang asawa nito.
Maikling panahon ang lumipas at hiniling ni Ardy na bigyan siya ng Diyos ng babaeng magpapaibig muli sa kanya.
Ayon kay Ardy, ang Diyos daw ang pumili kay Miriam para sa kanya kaya kahit hindi siya ka-gwapuhan ay ginawa niya ang lahat para masungkit ang puso ng isa sa mga pinaka-tinitingalang reyna ng kagandahan sa ating bansa.
Tampok ang beauty queen na si Venus Raj bilang si Miriam Quiambao at John Feir bilang si Ardy Roberto, abangan ang kwento ng pag-ibig na ito sa Wagas, ngayong Sabado, 7pm sa GMA News TV.
More Videos
Most Popular