Filtered By: Newstv
NewsTV

'Wagas': The Flora & Harry Gasser Love Story



AUGUST 2, 2014, 7PM, GMA NEWS TV
The Flora & Harry Gasser Love Story  
(Starring: Alden Richards, Angeli Bayani, Dennis Roldan and Flora Gasser as herself)

Abangan sa "Wagas" ngayong Sabado ang isang totoong kwento ng pag-ibig na magbibigay ng isa sa pinakamakahulugan at mainam na depinisyon ng pag-ibig na wagas.
 
Sa panulat at direksyon ng Adolf Alix, Jr at paglalahad at mismong pagganap ni Ms. Flora Gasser sa kanyang karakter sa kwento, tampok ng Wagas ang “Flora at Harry Gasser Love Story."

Sa bayan ng Cebu nagsimula ang kwento ng pag-ibig nina Flora at Harry. Beteranang radio voice talent noon si Flora samantalang bagitong announcer pa lamang si Harry. Si Flora pala ang tila naging susi para maumpisahan ni Harry ang karera niya bilang broadcaster.  
 
Nang makahanap ng mas magandang oportunidad si Harry sa Maynila, iniwan niya ang Cebu at ‘di nagtagal ay sumunod na rin sa kanyang yapak si Flora, na lubos nang naging malapit sa kanya. Sa syudad, sabay silang umangat at nagkaron ng sariling pangalan at marka.

Si Harry naging sikat na news anchor, samantalang naging artista naman si Flora.

Subalit lingid sa kaalaman ng marami, noong mga panahon palang yun ay maraming problema ang sumubok sa kanilang relasyon. Dahil ang gwapo’t popular na si Harry, sadyang naging lapitin ng tukso! At si Flora na madalas daw noong mapagkamalang nanay o yaya ni Harry ay nagpakatatag at hindi bumitaw hanggang sa kahuli-hulihang sandali ng buhay ni Harry...

Para sa karagdangang impormasyon tungkol sa Wagas, silip na sa aming Facebook at Twitter account:
https://www.facebook.com/wagastv11
https://twitter.com/wagastv11