Filtered By: Newstv
NewsTV

First love, true love: The Buwi and Febe Meneses Love Story



THE BUWI AND FEBE MENESES LOVE STORY
Starring Kean Cipriano and Sheena Halili

Ang kanilang kwento ng pag-ibig, nagsimula pa noong sila’y mga inosenteng paslit...

Schoolmates pa lang sila noon sa Elementarya nang magkaroon ng lihim na pagkagusto si Buhawi o “Buwi” kay Febe.

Hanggang maka-graduate sila at makatuntong ng high school, ay ‘di pa rin nawala ang paghanga ni Buwi kay Febe.

Naaalala pa ni Buwi ang madalas na pagpasyal niya noon sa pinasukang eskwelehan ni Febe, sa pagnanais na ito ay masilayan man lang.
At lumipas na nga ang mahabang pahanon subalit hindi na muling nag-krus ang kanilang landas.
Hanggang sa pareho na silang tumanada. Si Buwi, lumikha ng pangalan sa pagiging bahista ng sikat na bandang “Parokya ni Edgar."

Si Febe naman, nakapasok sa GMA-7 bilang production bilang Production Assistant, at madalas pang na-extra sa iba’t-ibang entertainment shows.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, muling nagtagpo ang kanilang mga mata nang maging guest sina Buwi at kanyang banda sa variety show na pinagtatrabahuhan ni Febe.

Mula sa araw na ‘yun, nag-iba na ang kapalaran ng kanilang buhay pag-ibig.

Tampok sina Kean Cipriano at Sheena Halili, abangana ng totoong kwento ng pag-ibig na ito na nagpapakitang walang kasing tamis ang unang pag-ibig.

Para sa karagdangang impormasyon tungkol sa Wagas, silip na sa aming Facebook at Twitter account:
https://www.facebook.com/wagastv11
https://twitter.com/wagastv11