Filtered By: Newstv
NewsTV

Pag-iibigang nagsimula sa pananamantala, tampok ngayong Sabado sa 'Wagas'




"TIME HEALS ALL WOUNDS " 
Starring Roi Vinzon & Lovi Poe

Labing-isang taon ang agwat ng edad ni Reynaldo kay Annie nang simulan niyang suyuin ang dalaga. 
Dahil mas bata, hindi prayoridad ni Annie ang pag-ibig kaya't tinanggihan niya ang binata.
Pero mapusok si Reynaldo.
 
Sa kagustushang mapasakanya ang dalaga, pinagsamantalahan niya si Annie habang walang malay.  
 
Tumakas sa probinsya si Annie para tumakas pero sinundan siya ni Reynaldo at doon ay puwersahang ipinakasal sila ng kanyang mga magulang.
 
Ang sumunod na mga kabanata ay tila isang teleseryeng nagsimula sa dilim ngunit unti-unting umusbong ang isang hindi pangkaraniwang pagmamahalan. Sa paglipas ng mga taon, ang dating sugat na dulot ng kasalanan ay tila hinilom ng panahon.


 
Tampok sina Roi Vinzon at Lovi Poe sa isang pambihirang pagganap. Abangan ang kuwentong ito sa WAGAS ngayong  Sabado 7PM sa GMANEWSTV!
 
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Wagas, silip na sa aming Facebook at Twitter account:
https://www.facebook.com/wagastv11
https://twitter.com/wagastv11