ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Love story ng isang foreignay, tampok sa 'Wagas'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
#Solenn&PektoOnWagas

"Foreignay ng Aking Buhay"
THE ERIC & ANNA BAYLOSIS LOVE STORY
Starring SOLENN HEUSSAFF & MIKE "PEKTO" NACUA

Minsang naging guest sa Eat Bulaga "You're My Foreignay" contest ang YouTube singing sensation na si Anna, isang Russian model na magaling kumanta ng Tagalog. Pero paano nga ba siya napadpad sa Pilipinas? Dahil daw sa pag-ibig! Parang naka-jackpot raw ang Pinoy na si Eric nang mapaibig niya ang sexy, maganda at talented na si Anna.





2006 nang magkakilala  ang Pinoy na si Eric at ang Russian foreign student na si Anna sa Ohio nang kapwa sila nagtrabaho sa isang restaurant. Bagong 'break' sa kaniya-kaniyang kasintahan... ang pagkakaibigan ng magkatrabahong sina Eric at Anna, unti-unting na-develop.



Ngunit mabilis ang kanilang naging pagsasama dahil kailangan nang bumalik sa Russia ni Anna. Labis ang pangungulila ni Eric sa dalaga kaya tinatawagan niya ito overseas araw-araw. And after six months of long distance relationship, nakumbinsi ni Eric na dumalaw si Anna sa Pilipinas. Dito mas nakilala ni Eric si Anna. Nagkakaroon man sila ng hindi pagkakaunawaan dahil sa kaibhan ng kanilang kultura, hindi na raw pakakawalan ni Eric si Anna!



Habang nasa Boracay, isang "underwater proposal" ang plinano ni Eric. Dito na nagsimula ang fun and adventurous love story nina Eric and Anna to forever!

Ngumiti, kiligin, tumawa sa kwela at nakakaaliw na kwento ng pag-ibig nina Eric At Anna tampok sina Solenn Heusaff at Mike "Pekto" Nacu  sa WAGAS ngayong SABADO, 7PM, sa GMANEWSTV! 

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Wagas, silip na sa aming Facebook at Twitter account:
https://www.facebook.com/wagastv11
https://twitter.com/wagastv11
Tags: prstory