May love life si Lola Rapper!
Airing date: August 1, 2015
Starring: Candy Pangilinan and John Feir

Nakilala si 'Lola Rapper' o Priscilla Renala nang manalo siya sa Eat Bulaga segment na "Juan for All, All for Juan." Kinagiliwan siya ng mga Dabarkads nang magpakita siya ng kanyang taleto sa pagra-rap at nagsunod-sunod na ang kanyang naging mga guesting. Ang hindi alam ng marami, may makulay na love story pala sa likod ng masaya at mabibilis na rap ni Lola Priscilla!
Dalagang Pilipina raw pinalaki si Lola Rapper. "Strict ang kanyang parents" pero pumila raw ang kanyang mga manliligaw. At isang lalaki ang nangahas na mapa-ibig siya—ang kanyang kababata na si Isidro.
Pareho silang nagsasaka sa probinsya at doon umusbong ang kanilang pag-iibigan. Kahit maghapong nagtatanim ay masayahin at mahilig na raw “kumantang pa-tula” ang dalagang si Priscilla na siya namang lalong hinangaan ni Isidro. Pinagsisibak pa raw ni Isidro si Priscilla, tumutulong dito sa gawaing bahay at hinaharana siya sa gabi.
At sa konserbatibo nilang panahon noon, nang minsang aksidenteng nayakap lang siya ni Isidro ay pinakasal na sila ng kanilang mga magulang!

Sa kabila ng mga unos, magkasama nilang itinuloy ang masayang rap ni Lola Rapper at ang buhay na buhay niyang musika sa pagbuo ng kanilang pamilya. Tampok sina Candy Pangilinan at John Feir, abangan ang nakatutuwa at nakaaaliw na kuwento ng love life ni Lola Rapper ngayong Sabado sa WAGAS, 7 PM, sa GMA NEWS TV!
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Wagas, silip na sa aming Facebook at Twitter account:
https://www.facebook.com/wagastv11
https://twitter.com/wagastv11