ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Dalawang bulag na pinagtagpo ng musika, tampok sa 'Wagas'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
#GlaizaonWagas
”MUSIKA NG BULAG NA PAG-IBIG”
STARRING GLAIZA DE CASTRO & PING MEDIA
August 22, 2015
”MUSIKA NG BULAG NA PAG-IBIG”
STARRING GLAIZA DE CASTRO & PING MEDIA
August 22, 2015

Kapwa hindi nakakakita ngunit pinagtagpo ang mga puso ng musika.

Parehong bulag mula pagkabata sina Anna at Rey. Nagkakilala sila sa isang eskwelahan para sa mga tulad nilang may kapansanan.


Makalipas ang ilang taon, dahil sa parehong pagmamahal sa musika, nagtagpo sila bilang singer at gitarista sa isang grupo ng blind singers.


Pero hindi madali ang pag-iibigan ng dalawang bulag. Hindi madali ang pagsisimula ng isang pamilya ng dalawang nilalang na kapwa hindi nakakakita. At ang pinakamasakit sa lahat, tinamaan pa ng sakit na cancer si Anna.


Sa pagkanta ibinubuhos ng mag-asawa ang lahat ng kanilang pinagdaraanan at hindi inaasahan, naging viral pa ang isang video nila habang sila’y kumakanta sa isang palengke sa Pasig. Sumikat si Anna bilang “Karen Carpenters of the Philippines”!

Tampok ang mga de-kalibreng artistang sina GLAIZA DE CASTRO at PING MEDINA, isang madamdamin at nakaka-antig sa pusong kwento ng pag-ibig ang handog ng WAGASngayong Sabado sa GMANEWSTV.
More Videos
Most Popular