Kuwento ng pag-ibig ng magulang ni Kalyeserye Doktor Taning, tunghayan sa 'Wagas'

ATTENTION ALDUB NATION. Hindi lang ang mga “Rogelio” ang pinakasikat ng Eat Bulaga. Naaalala niyo ba si “DOKTOR TANING”--- ang gwapong doktor sa Kalyeserye na nagbigay ng “taning” ng buhay kay Lola Nidora at nagcheck up kay Yaya Dub sa “Yakie” Wedding noon? Siya ang poging modelong half-Pinoy at half-Scottish na si MARC MACMAHON. Ngayong Sabado sa WAGAS, ikukwento niya ang makulay na love story ng mga magulang niya mula Siargao hanggang Scotland. Siya mismo ang magbibigay buhay sa istorya kasama ang isa sa pinakaseksing Kapuso leading lady na si LOVIE POE.


Sa harap ng isang Post Office sa Maynila nagkabungguan sina Lydia at Scottish Navy Officer na si Thomas. Love at first sight ang naganap. Pabalik nang Siargao noon si Lydia at pauwi naman sa Scotland si Thomas. Nagsulatan ang dalawa at nabuo ang pagkakaibigan. Nang muling bumalik sa Pilipinas si Thomas, nakilala ni Thomas ang mahirap ngunit marangal na pamilya ni Lydia sa Siargiao. At kasabay nang pagkabighani niya sa isla, tuluyan siyang nabighani sa dalaga. Dalawang taong naging magkasintahan ang dalawa bago nabuntis si Lydia. Dito napagdesisyunan ni Thomas na isama na sa Scotland si Lydia para magpakasal at ipanganak ang una nilang supling.



Magkaiba man ng kultura at magkaiba man ang wikang nasa kanilang mga dila---- ang Wagas na pag-ibig sa isa’t isa ang nagbuklod sa dalawang pusong tunay na nagmamahalan. Tampok sina LOVIE POE at MARC MACMAHON… abangan ang kwentong ito ngayong Sabado May 14, 2016 sa WAGAS 7PM sa GMANEWSTV!