Katagang first love never dies, patutunayan sa 'Wagas'

This Valentine Month, let’s celebrate the magic of true love as WAGAS brings you a beautiful story that will take you back to your FIRST LOVE. This time, it happened to a SINGLE MOM!
Sa edad na 40, nanay sa dalawang anak si LORI (LJ REYES). Parang “roller coaster” daw ang mga naganap sa buhay pag-ibig niya. Kinasal siya noon sa tatay ng kanyang mga anak pero hindi naging maganda ang kanilang pagsasama. Naghiwalay sila at nag file siya ng annulment. Umibig siyang muli. Ngunit sa mismong araw na sana’y aprubado na ang kaniyang annulment papers at malaya na sana siya--- ang parehong araw na hiniwalayan naman siya ng lalaking akala niya’y bago niyang pag-asa. Suko na dapat sa pag-ibig si Lori… pero may ibang plano pala ang tadhana para sa kanya.
Habang pinagdaraanan niya ang lahat ng naganap sa kanyang buhay… hinintay pala siya ng kanyang FIRST LOVE --- si ZANDRO (RAFAEL ROSELL). Si Zandro ang unang lalaking nagpatibok sa puso ni Lori. First Love nila ang isa’t isa noong high school pero sa hindi inaasahang pagkakataon… nagkalayo sila noon.
Makalipas ang 26 years, muli silang nagkita at tila ba walang lumipas na panahon… muling nagbalik ang dati nilang pagmamahal para sa isa’t isa na para bang highschool ulit!
Walang ibang babaeng inibig si Zandro. Tinanggap niya ang lahat lahat kay Lori---kasama ang kanyang nakaraan at dalawang anak. Nitong Disyembre lang, nagpakasal sila. Tama nga ang sabi nila, “ First Love Never Dies”.
Bibigyang buhay nina LJ REYES at RAFAEL ROSELL ang kwento nina Lori Moroña at Zandro Caroche. Sabay sabay tayong ngumiti at maniwala sa hiwaga ng tunay na pag-ibig ngayong Sabado 7pm sa WAGAS sa GMANEWSTV!