Mag-asawang inaswang, mapapanood sa 'Wagas'

Sa isang malayong bayan sa Masbate, bagong salta ang mag-asawang sina LORENA (YASMIEN KURDI) at BEN (DOMINIC ROCCO). Nagdadalang-tao si Lorena at mula sa Maynila, itinanan siya ni Ben. Nagbabakasali silang ang simpleng buhay sa probinsya ang magiging bago nilang pag-asa sa pagsisimula ng kanilang pamilya. Pero hindi nila sukat akalain na susubukin ang kanilang pag-iibigan ng mga kababalaghan.
Napabalitang pinamumugaran ng mga nilalang na nabubuhay sa dilim gaya ng aswang ang barrio nina Ben at ang madalas daw nitong biktima ay mga dayo o bagong salta. Nabalot ng takot ang pagdadalang-tao ni Lorena matapos ang sunod sunod na makatindig-balahibong mga karanasang siya mismo ang nakasaksi. Pero bago pa man maging biktima ng aswang si Lorena at ang sanggol sa kanyang sinapupunan, gagawin ang lahat ni Ben para maprotektahan ang kanyang mag-ina.
Tampok sina YASMIEN KURDI at DOMINIC ROCCO, handog ng WAGAS ngayong Sabado ang isang kwento tungkol sa “Mag-Aswang Inaswang” ngunit kanilang napagtagumpayan. Abangan sa GMANEWSTV 7PM ngayong Sabado--- WAGAS!