ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Love story ng isang lalaking may 'third eye,' tampok sa 'Wagas!'

Galing sa isang mapait na relasyon si Jose bago pa niya nakilala ang kanyang wagas na pag-ibig na si Rebecca. Bagamat pilit na niyang nililimot ang kanyang nakaraan ay mukhang ‘di siya patatahimikin ng kanyang kahapon.
Nagpatiwakal kasi ang kanyang dating kasintahan na si Angela. Tila di matahimik ang kaluluwa ni Angela kung kaya’t panay ang pagdalaw nito kay Jose kahit na may asawa na ito, si Rebecca.
Nais na ni Jose na lubayan s’ya ng kaluluwa ni Angela. Isang kuwintas ang tinanggap ni Jose sa isang matandang ‘di n’ya kilala. Umano’y ito ang magbibigay sa kanya ng proteksyon sa mga masasamang bagay. Pero ang kuwintas pala ang magdudulot pala upang mabuksan ang kanyang ‘Third Eye’, dahilan para makakita siya ng mga kaluluwa at mga nakakakilabot na elemento.
Hanggang sa magka-anak na sila ni Rebecca pero hindi pa rin talaga sila matahimik. Gaya ni Jose, bukas na rin ang ’Third Eye’ ng kanilang mga anak. At nagsimula na ring sapian ng masasamang espiritu ang mga anak niya at kung anu-ano pang kababalaghan ang nangyari sa kanilang tahanan.
Paano nila ito mapaglalabanan gamit lamang ang kanilang pagmamahalan bilang isang pamilya? Abangan sa Wagas: “Mata” kasama sina JC Tiuseco, Dionne Monsanto, Catherine Rem, Therese Malvar, at Miggs Cuaderno ngayong Sabado, 7 PM sa GMA News TV.
Tags: wagas
More Videos
Most Popular