ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Haunted Manyika, magpaparamdam ngayong Pasko sa 'Wagas'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Payak pero masayang nagsasama-sama ang maliit na pamilya nina Helen at Noel. Paparating na ang Pasko noon nang humiling ang kanilang unica hija na si Tanya ng isang simpleng regalo—isang manyika. Kahit mahirap ang buhay, nagsumikap ang mag-asawa para magkaroon ng sariling laruang manyika ang kanilang anak.
Mula sa kakarampot na ipon, nakabili sila ng isang second hand na manyika na labis naming ikinatuwa ni Tanya. Pero ang saya ay napalitan ng takot at pangamba dahil ang hindi nila alam, may dala palang kababalaghan ang lumang manyikang ito na gugulo sa sa kanilang maayos na tahanan.
Paano matatakasan ng pamilya nina Helen at Noel ang lagim na dala ng ‘Haunted Manyika’ na gumimbal sa kanila sa Kapaskuhan?
Tampok sina Lovely Abella, Rafa Siguion-Reyna bilang mag-asawang sina Helen at Noel. Makakasama rin sina Leanne Bautista, Bruce Roeland Chlaui Maglayao. Abangan sila sa WAGAS ngayong Sabado, 7 PM sa GMA News TV.
Tags: wagas
More Videos
Most Popular