Filtered By: Newstv
NewsTV

'Weekend Getaway' looks back on Mindanao's nature and culture


Weekend Getaway The Best of Mindanao
Airing Date: January 18, 2013
 
It’s all about nature, culture, and sumptuous food this Friday as Weekend Getaway takes you back to the second largest island in the Philippines -- Mindanao!
 
Isa sa mga ipinagmamalaki ng mga taga-Mindanao ay ang natural na ganda na nakapaligid sa kanila. Kaya naman sinamantala na ito ng mga naging Weekend Warrior natin. Sa Ozamiz, binisita nila ang Dolphin Island kung saan nakipaglaro pa sila sa mga rescued dolphin na inaalagaan sa isla.  Sa Davao del Sur, ang manmade islet na Passig Islet and naging destinasyon nila, isang sikat na tourist attraction ng lugar. At sa IGACOS o Island Garden City of Samal naman, bat cave exploration ang ginawa nila sa pagsilip sa bat sanctuary dito na siyang may hawak ng Guiness World Record sa pinakamadaming fruit eating bats sa buong mundo!
 
Samantala, naging mas makabuluhan ang "Weekend Getaway" ng mga biyahero dahil sa kanilang pakikisalamuha sa mga resindente ng iba't ibang bahagi ng Mindanao. Sa Digos, sinalubong sila ng mga Bagobo at pinakain pa ng natatangi nilang ulam, ang Chicken Nilutlot. Sa Bukidnon, nakibahagi ang warriors sa Pangalum-ampit Ritual na tanging ang mga miyembro ng Tribong Talaandig lang ang gumagawa. At sa Lake Sebu, nakilala nila si Lang Dulay, isang National Living Treasure at isa sa pinakamatandang dreamweavers o manghahabi ng mga T’Boli
 
At para makumpleto ang kanilang Mindanao adventure, tinikman din ng warriors ang culinary specialties dito:  ang Dabadaba ng Butuan, isang klase ng ulam na gawa sa sago; ang Braised Lotus Stem and Flower Salad ng Digos City na gawa sa bulaklak at tangkay ng lotus plant; ang malutong na Tilapia Chicharon na ipinagmamalaki ng mga taga-Lake Sebu; at ang exotic na salpo, isang uri ng seaworm na matatagpuan sa Samal.
 
Umaatikabo at nakakagutom na pagbabalik-tanaw sa Mindanao, ‘yan ang hatid ng "Weekend Getaway" ngayong Biyernes, 10 PM sa GMA News TV-11!