'Inosente lang ang nagtataka'
Pamagat âyan ng isa sa mga unang kanta ng The Wuds. Binubuo nila Bobby Balingit sa gitara at boses, Alfred Guevara sa baho at boses, at Aji Adriano sa drums. Gaya ng karaniwang tugtog-punk: mabilisang salitan na sikad sa bass drum, palo sa snare, pakalansing sa hi-hat, rolling sa tomtom na ang dulo ay hataw sa cymbals; kasabay ang sumusugod na pakalantog sa baho; at kaskas ng gitarang matalas ang effects bilang akompanya sa ganitong liriks; Wala, wala, wala, wala, wala, wala, wala, wala Wala ka namang makikita Kundi âpikit ang âyong mata Wala ka pa ring makikita Kung ayaw mong makakita Kung ayaw mong makakita Kayaât hâwag magtaka, hâwag magtaka, hâwag magtaka (3x) Wala, wala, wala, wala, wala, wala, wala, wala Marami kang naririnig Hindi ka naman nakikinig Parang kuliling sa pandinig Hindi ka pa rin nakikinig Parang kuliling sa pandinig Kayaât hâwag magtaka, hâwag magtaka, hâwag magtaka (3x) Ha, inosente lang ang nagtataka (4x) Wala, wala, wala Ang sidhi ng baták na boses ni Bobby ay pinaaalingawngaw lalo ng dynamics ng tugtog. At masaya nilang naitatanghal ang mga pyesa. Kung anoman ang interpretasyon ng mensahe, patok depende sa relatibidad ng tribung kinaaaniban ng mga partikular na tagahanga. Pero, para sa Inosente⦠âAnti-punk âyon.â Pagtukoy ni Bobby, tagapagsalita ng numero unong bandang punk sa bansa. âKasi nung una talaga, asar sa âmin âyong mga punk rockers. Gusto nila sumunod kami sa standard ng London, Europe.â âPunk rock originated as a reaction against the commercialism of mainstream rock and the pretentiousness of art rock. Punk-rock music was raw, abrasive, and fast.â Ayon sa Encarta. Kabilang na rito ang pananamit na, âdesigned to shock or intimidateâ, bilang istilo ng bihis ng mga musikero at kabataan sa London at New York noong kalagitnaan ng dekada 70. Isang panahong dumaranas ang dalawang bansa ng malawakang tanggalan sa trabaho, nagpapakana ng neokolonisasyon o globalisasyon, nagbukas ng overseas employment, nangungunsinti sa mga abuso ng mga alagang diktadura sa karapatang pantao ng mamamayan ng mga neokolonya nilang gaya ng Pilipinas, sa kaso ng US. Gaya ng mga imported na sapatos, pantalon, tisyert, shades, sigarilyo, tsokoleyt ang punk ay sadya ring inangkat sa bansa. Bagamat sumunod lamang ito sa mga naunang jazz, blues, folk, rock ân roll at rock. Di gaya ng mga kompanya at produkto na pang-ekonomya, nananatili sa monopolyo ng multinational corporations, ang musikang punk ay naangkin o akulturado na ng nakababatang henerasyon ng Pinoy. Kabilang na nga rito ang The Wuds. ââYong concept nila ng punk, porma lang. Me panahon kasing parang umaarte na âyong mga punk rockers. Parang malalandi na âyong datÃng nila. Hindi na âtarantadoâ. Mga papansin na âyong get up. Nagkukulay iba na.â Obserbasyon at urirat pa ni Bobby sa kondukta ng mga bandang nakasabayan nila. âSo, naisip ko, gawa nga âko ng pyesa na wala nang kwenta talaga.â Hindi niya masabi noon ang anti-punk na inspirasyon ng Inosente⦠âSyempre, baka ma-bad trip sa âtin âyong mga ka-contemporary e. Pero tumabo, haba ng inabot. Kinanta pa ng Rivermaya.â Gaya ng karaniwang burgis na tagadala ng mga usong kanluranin, mahaba ang listahan ng mga alagad ng sining, partikular ang mga bandang punk rockers, na paburgis din ang proseso ng pag-iisip at may ugaling gayagaya. Parang nahipan ng hangin, natuluyan sa kolonyal na mentalidad at gawi. âPero kung kikilatisin mo talaga âyong punk, di naman ganun e. Wala silang magawa sa âmin, kasi mas natural kami. Halimbawa, pumupunta sila ng Tandem para bumili ng get up. Magagandang t-shirt, pantalon. Pero kami, pupunta kaming Paco. Bibili kami ng tigli-P5.00 pantalon. Tapos aayusin na lang namin. Ni hindi pa nga ukay âyon e. Parang Eloyâs. Di ba may mga naglalako, nagpapalit-palanggana. Ayusin lang namin, samâ kasi ng mga bagsakâ¦â Ang katernong boots na sapatos ay paga-P300 nilang binibili sa Quiapo, âmahal na sa âmin âyon. Luxury na âyon.â âGhetto talaga kami. Looban ng looban kami nakatira. Ang labanan duân gang e. Bahala, sputnik, tributribu. Kaya pag dating sa konsyerto, tributribu lang ang away. Hindi kami natatakot, hindi kami kinakabahan. Kasi âyong nilulugaran namin, biglang may papasok na tarantadong pusher. Aagawin âyong teritoryo ng isang pusher, patayan men. Ganun! Babarilin ka na lang. Daming beses ko nang muntikmuntik dâyan e.â Sa pamamagitan ng pagsapol sa esensya, hindi porma lang, ng mga impluwensya nila, andyan ang mga lokal na bandang The Jerks, Bosyo at ang Amerikanong si Bob Dylan, mas awtentiko ang mga pahayag sa mga pyesa at ugali ng The Wuds. At ayon pa kay Bobby, âdapat kasi ang reflection ng punk rock, ipakita mo âyong sitwasyon.â
Bayan Bayanan Bayan mo, bayan ko, bayan niya, bayan nila Iisa ang pinanggalingan, iisa ang dapat puntahan Sino pa ang lalabanan mo Kung lahat ng buhay dito ay kapatid mo Kapayapaang âpinaglalaban mo Ay walang halaga kundi mo alam ang sarili mo Bayan mo, bayan ko, bayan niya, bayan nila Iisa ang pinanggalingan, iisa ang dapat puntahan Para saan pa ang kaunlaran Kung lahat ay iiwan sa kamatayan Ano pa ang aangkinin mo Kung sariling buhay mo ay di sa âyo Ang buong bayan, di rin matutunguhan Kundi mo nalalaman ang tunay mong katauhan Ang buong bayan, di rin matutunguhan Kundi mo nalalaman ang tunay mong katauhan Ang buong bayan, di rin matutunguhan Kundi mo nalalaman ang tunay mong katauhan Ang buong bayan di rin matutunguhan Kundi mo na kilala ang Diyos mong amaâKami naman sa Wuds, nauna âyong ispiritwal bago tumalakay ng kung ano ang sitwasyon ngayon.â Inihanay ni Bobby ang ispiritwalidad ng mga kabanda sa Hinduism. Pinansin pa niya ang pagyakap ng maraming kanluranin at Hollywood aktor, aktres, musikero sa Buddhism na sumunod sa Hinduism. Inihalimbawa rin niya si Lapulapu, bilang basehan ng silanganing ispiritwalidad, bago nakumbert sa sarisaring relihiyon at pagka-Pinoy ang mga tao ng arkipelago. âGumawa man ako ng kanta alam kong kongkreto, kasi tama âyong ginagamit kong basehan.â Noong July 16, nagsimula ang ika-25 anibersaryo ng pagkatatag ng The Wuds. Asasinasyon kay Ninoy Aquino noong August 21, 1983 at mga sumunod pang gambalang pulitikal ang kontekstong sumaklaw sa mga likha nila sa ayaw at sa gusto ng banda at mga katribu. Maliban sa tagakumpas ng neokolonisasyon at mga lokal na kasabwat. Na siyang pumihit sa kinahinatnang disintegrasyon ng bansa ngayon mula sa direksyon ng isang awtentiko at ganap na pag-unlad. Mula 1983 pabalik, ang Woods ay isang folksinging group. Pero dahil âhindi na ubra ang galaw namin sa takbo ng panahon,â pinalitan ang genre ng tugtog, bihis, pati baybay kaya naging The Wuds para paamuhin ang ilap ng pagbabago. Hindi na inosente si Bobby sa pambabarat na trato ng mainstream at âindependentâ recording companies sa mga songwriter bilang manlilikha at alagad ng makabuluhang musika at sining. Hindi na rin siya nagtaka nang pagtawanan sila ng recording company sa alok at kwentado nilang halaga ng kontratang pipirmahan sana. Kontrolado ng recording company lahat ng radio stations. Bagamat iba ang labanan sa mga konsyerto ayon pa sa beteranong musiko. Pagtuturo ng pagtugtog ng gitara ang pangsuporta sa sining niya. âKasi kung idea mo, pagkukunan âyong art ng pera. Wow men! Wala, mawawala ka, kasi walang pera (sabay tawa). Me pera âyong mga producer. Sila lang ang kikita. Kasi ang gagaling nilang gumawa ng kontrata e, na wala kang makukuha. Ganun sila âkahuhusayâ. Minsan bagsakan ka ng malaking pera. Akala mo eto na. Pero pag sinuma mo men, kapiraso lang,â ang kita ng talent kumpara sa kita ng mga kompanya at prodyuser. Resulta tuloy ay sigabo ng mga nakatutulig na kantakantahan at gabulong na inspirasyon ng makabuluhang kanta sa airwaves. Ang salaysay niya ay tugma sa paniwala at panuntunan ng kilalang recording company executive kaugnay ng tangkilik sa mga musiko. Mas pagkakakitaan ang distribution ng foreign records at musicians kaysa magtaguyod ng mga likha at bandang gaya ng The Wuds. âRisk sa business âyan!" pag-amin ng executive. Bilang reaksyon sa epekto sa tagapakinig dahil sa trato ng music establishment sa mga makabuluhang talento, âsinasadya talaga na maging mangmang ang audience para hindi tumalino. Kasi pag tumalino, kasunod nâyon rebolusyon.â Rebolusyong pagbabago ng puso, isip o saloobin, pahabol na linaw ni Bobby. Sa dulo ng usupan ay inilatag niya, âkung hindi inaalagaan âyong sining at kultura sa Pilipinas, e wag na tayong mag-expect na titino âyong bayan. Kasi, âyong artist responsibility niyang gawin âyon. Sila ang may panahong mag-isip para ayusin âyong kultura. Para mabago âyong kultura, sining muna. Para mag-create ng environment, culture.â
At Nakalimutan ang Diyos Dito ba sa mundo ano ang tunay na kailangan Ang magpakasarap at magkamit ng kayamanan Anomang kayamanan ang akala moây walang hangganan Darating ang panahon na âyan ay âyong iiwan Sobrang kapangyarihan Sobrang kayamanan Sobrang katakawan Ilan sa mamamayan ang nagsisigawan Mga ganid, mga ganid⦠Marami ang nag-akalang siyaây makabayan Gumamit pa ng salitang kalayaan E, ang demokrasya at kalayaan Ay nakasalalay sa ating kakayahan Na pigilin at kontrolin Ang pagnanasa at mga gawain E, ano ba ang gusto mo na magpapasaya sa âyo Ito ba ang karangyaan sa pamumuhay Malaking bahay, magarang kotse Maraming pera, magandang asawa May mga anak, magandang damit Masarap na pagkain, sikat na sikat Kasi may pangalan pero nakalimutan ang Diyos Ang daming namatay nung nakaraang patayan Nagkabigayan, ilan sa mamamayan ang nagsisigawan Tahimik, tahimikâ¦Ang salitan na sikad, palo, pakalansing, rolling, hataw, sumusugod na kalantog, kaskas sa mga pinagdaanan ng The Wuds at tribu nila, o ng mamamayan sa pangkalahatan, ay nakakintal sa alaala ng kolektibong bungo. Sakaling itakwil ang gabay ng aral ng karanasan, ang pagtataka ninyo ay mauuwi lang sa pagkautuuto. At hindi âyan gaya ng nakapapaso na kakaning-utak, basta na lang iniluluwa kapag isinubo.