ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

OPINION: Ask Atty. Gaby: Baby driver


Hindi po kayo namamalik-mata!

Hindi toy car kundi totoong sasakyan ang minamaneho ng isang batang nasa isang very viral video!

Sa video na naka-upload sa Facebook page ng Department of Transportation, isang bata ang makikitang nagko-kontrol ng manibela ng sasakyan habang nakakandong sa lalaking driver!

Maririnig sa background ang pagbibigay ng instructions ng driver at ng kasamang pasahero.

Ayon sa DOTr, nangyari ang insidente sa parking lot ng isang mall sa Parañaque.

Pinasususpinde ng ng LTO ang lisensya ng driver nang 90 days.

Pag-usapan natin ang insidenteng 'yan!

Ask me, ask. Atty Gaby!

Atty., ano ba ang sinasabi ng batas tungkol dito lalo na kung may batang involved sa insidente?

Well, para rin maprotektahan ang mga bata mula sa mga aksidente, meron tayong mga batas na talagang applicable dito.

Of course, unang una, actually 'yung nangyari dito, parang pinapayagan ninyong magmaneho ang isang bata.

Strictly speaking, bawal ito dahil ang maaari lamang magmaneho ay isang taong may lisensiya — at kung ito ay natututo pa lamang, dapat ay may student license. Bawal na pagmanehuhin ang isang tao ng walang tamang lisensiya.

Pangalawa, ang ganitong mga gawain ay maaaring form of reckless driving. Ano ba 'yung reckless driving? Ito ay kahit na anong pagmamaneho na naging dangerous para sa mga pasahero at sa ibang tao. Definitely ito ay isang form ng reckless driving dahil nadi-distract ang driver sa pagbigay atensyon habang nagmamaneho kasi nga may bata sa kanyang lap at mukhang ipinaubaya ng konti nga sa batang iyon.

More importantly, nalalagay din sa peligro at posibleng aksidente ang buhay ng batang involved.

Alam n’yo ba na may batas tayo na nagsasabi na ang isang bata who is at least 59 inches tall must be wearing a seatbelt at all times habang tumatakbo ang makina ng isang kotse?

At kung ang bata ay 12 years old and below or less than 59 inches tall – ay hindi puwedeng nasa front seat ng sasakyan habang tumatakbo ang makina or kung tumatakbo sa kalye ang sasakyan.

Take note – kahit na hindi umuusad ang kotse, basta naka-on ang makina, bawal na ito.

Kailangan nasa back seat ang kahit na sinong bata na 12 years old and below!

At kung nasa harap, mas bawal ang pinaghahawak ng manibela!

Hindi natin alam kung ano ang mangyayari. Kung biglang may sumalpok sa kotse, tatama ang batang iyan sa manibela, or even worse, baka tumama sa windshield depende sa lakas ng pagkasalpok. Even worse, baka ma-distract ang driver at hindi mahalata na nakabig na pala ng bata ang manibela at sila ang makakatama ng ibang sasakyan or ng isang tao na tumatawid or malapit sa sasakyan.

Ito ay ayon sa Republic Act 11229 at sa ilalim ng batas na ito ang paglagay ng isang bata sa front seat ng kotse o kung hindi ito naka-seatbelt, may katapat na multa na P1,000 for the first offense; P2,000 for the second offense; P5,000 and suspension of the driver’s license for a period of one year for the third and succeeding offenses.

Although parang wala naman akong kilala na nahuhuli pa para sa ganitong klaseng offense!

Tandaan – hindi sapat para sabihin na, ''Wala namang mangyayari," "Ang simple naman, parang nagkukunwari lamang na nagda-drive eh, pinapalaki ang isyu."

Hindi po natin alam kung paano at kailan mangyayari ang isang aksidente. Kaya’t mas mabuti na na maging safe rather than sorry. Tandaan natin: Lahat ng pagsisisi nasa huli.

Ang mga usaping batas, bibigyan nating linaw. Para sa kapayapaan ng pag-iisip, huwag magdalawang-isip. Ask me, ask Atty. Gaby!