Buhay TnT sa Europe
Isa akong dating TnT (tago ng tago) dito sa Europe. Ilang taon din akong nagtago hanggang sa makahanap ng swerte na makapangasawa ng puti. Kaya alam na alam ko ang buhay ng TnT. Hindi po easy ang mag-TNT, kaya lang walang choice. Hindi po easy na sa araw- araw kang maglakad patungo sa trabaho na kinakabahan ka lagi. Araw-araw kaharap namin ang peligro na mapauwi. Buwan-buwan maririnig mo ang balitang may hulihan, may hinuli at napabalik ng Pilipinas. Lagi kaming may takot at kaba tuwing lumalabas. Pero sinusuong namin ang peligro para lang kumita at may maipadala sa mga mahal sa buhay na naiwan sa Pilipinas. Ang hirap ng kalagayan namin mga nagtatago, malayo na sa mga pamilya namin tapos may takot pa na isang araw mamalasin kami at mahuli at mapabalik sa Pinas. Takot talaga kami na mapauwi dahil sa hirap po na makapasok dito sa Europa. Sa hirap ng buhay sa Pilipinas, paano na ang pamilya namin? Napakaraming iniisip. Minsan nakaka-depressed ang aming sitwasyon kung alam nyo lang. Marami akong kaibigan hanggang ngayon ganoon pa rin buhay nila. Dati takot kaming makipagkaibigan sa mga Filipinong may papel na dahil sila rin ang nagsusumbong at magpapahuli sa amin. Masakit isipin na yung kapwa mo Filipino ang magpahuli saâyo. Alam nila ang sitwasyon at buhay sa Pilipinas. Nandito kami sinuong ang peligro para mabuhay at makatulong sa pamilya, hindi kami gumawa ng ano mang katarantaduhan sa kapwa tao. Nandito kami para magtrabaho. Bawal na kung bawal ang ginagawa namin na magtago pero sana maintindihan ng iba na ginagawa namin - para guminhawa kahit paano ang pamilya at makatulong sa mahal namin sa buhay. Kung may choice lang ba kami bakit gagawin pa namin ito. Merong ibang Filipino na mahirap umintindi kung ano ang sitwasyon namin. Hindi nila alam ang naramdaman namin. Akala ng iba, nagpapa-easy lang kami dito. Akala nila maganda ang katayuan namin dito. Minsan ikinuwento ng kaibigan ko na naglalakad sya isang araw bigla na lang daw syang nilapitan ng isang Filipina at tinanong kung may papel. Sinabing ang kapal daw ng mukha nya at lakas ng loob na magtago dito. Sinagot naman ng kaibigan ko, âkailangan namin gawin dahil maraming umaasa sa akin." Bakit may mga Filipino ganun? Parang di naman sya galing sa Pinas at di alam ang sitwasyon doon, ang buhay doon. Palibhasa hindi nya dinanas ang dinanas namin. Pasalamat dapat sila dahil hindi sila ang nasa sitwasyon namin. Ang Filipino kahit saan mo dalhin lumalabas talaga ang mga ugali. May mga taong inggitero! Kahit wala kang ginagawa basta nakita ka at âdi ka nila gusto kaiingitan ka. Ang iba ginagawa nang negosyo ang pagsusuplong sa mga TnT. Bakit yung mga taga-ibang bansa na nagtatago din dito hindi sila ganoon sa kapwa nila? Hindi lang mga Filipino ang nagtatago dito, marami pang iba. Pero hindi sila ganun sa kapwa nila. Walang pakialamanan kahit ano pa gawin ng mga yun. Hindi naman sila naapakan kung baga. Ang mga Filipino bakit ganun?! Bakit hindi na lng maging masaya sa mga kung ano naabot ng kapwa natin? Minsan nasabi ko, âKaya hindi umunlad ang bansa natin. Kaya hindi tayo umunlad ang mga Filipino. Kasi nagkaka-inggitan. Ayaw at takot na may ibang makahihigitan sa ano mang yaman nila." Nanduon na tayo na bawal ang ginagawa namin na pagtatago, ang tanong, kapag ba ang lahat ng mga TnT ay mapauwi sa Pilipinas may maibigay bang magandang kinabukasan sa aming mga pamilya ang gobyerno? May maganda bang trabahong nag-aantay pagbalik sa mga Filipinong nagtatago? Kasi sa totoo lang dito sa country na napasukan namin, of all the embassy na nandito...Pilipinas lang ang nagbabayad ng mga taong makapagsusumbong ng TnT. Kaya ang mga gahaman sa pera ayun! ginagawa nang business. Hindi namin maitindihan talaga kung bakit ganun ang Philippine embassy dito. Or kung yun ba talaga ay pakana ng embahada. Kasi kung gobyerno nila rito ang nagpagawa ng ganun, malamang lahat ng TnT dito na galing din sa ibang country ganun din sila. Ang mga employer namin nagtatanong kung bakit ginagawa ng gobyerno ng Pilipinas ang ganun? Magbayad sa taong magpahuli sa mga nagtatago rito gayong wala naman silang ma-i-offer na trabaho sa Pilipinas. Wala rin akong maisagot dahil hindi ko alam. They really admire Filipinos the way they worked. Kaya proud ako na halos dito hinahanap na magtatrabaho sa kanila ay mga Filipino. They trust us so much. Kaya even though there is risk for them to accept Filipinos who donât have legal papers, they still accept us dahil gusto nila ang serbisyo ng mga Filipino. So sad pinagbawalan nilang magkuha ng domestic helper galing ng Philippines. I donât know why. Thatâs why one reason rin na marami nag-hide dito. Thatâs why I wrote this story here dahil I want to let the people know how we feel and we want to share our experience being illegal. And gusto sana namin na maintindihan kami ng mga Filipino kung bakit ginawa namin ito. Sana lang po, âto all Filipinos be open minded naman kahit konti." I was very upset when someone I know was caught and deported back in the Philippines. Every Filipinos here have different reasons why they are here, makatulong at guminhawa kahit paano ang buhay ng pamilya sa Pinas. Napaka boring po ang buhay dito kung alam nyo lang. Sa Pilipinas, kahit walang pera masaya pa rin kahit paano. I hope mabasa po ito ng mga Filipino na nasa abroad at sana po naintindihan nyo ang sitwasyong ng mga Filipino na nasa abroad - lalo na sa mga nagtatago. We hope for all your respect and have an open mind. Thanks a lot and more power to GMA 7. - GMANews.TV Ang inyong lingkod, Jaycee of Sweden Kapusong Pinoy! Baka may maikling kwento ka dâyan, tula, awitin, litrato, at iba pang sariling katha tungkol sa iyong karanasan. Baka gusto mo itong ibahagi sa ating kababayan pamamagitan ng Kwentong Kapuso sa PinoyAbroad ng www.gmanews.tv. Hindi natin alam baka kapulutan pa ito ng aral ng iba nating Kapuso. O kaya ay magsilbi itong inspirasyon sa mga kababayan nating nasa ibang bansa at malayo sa kanilang mga mahal sa buhay. Hindi ba maganda âyon? âYan ang Serbisyong Totoo! Kaya, heto na ang pagkakataon na magkwento ka, magbahagi ng inyong pananaw o magpaabot ng iyong saloobin. Masaya, malungkot, tungkol sa tagumpay o kabiguan o kahit wala lang...makapag-kwento lang at magkaroon ng pagkakataon na makipag-ugnayan sa ating mga kababayan saan man dako sa mundo. Kaya ibalita na sa ating mga kababayan ang Kwentong Kapuso at mag-email sa Pinoyabroad@gmanews.tv. Lagi ring bisitahin ang ating website na www.gmanews.tv para sa mga sariwang balita, impormasyon at iba pa sa loob man o labas ng Pilipinas. Maraming salamat po mga Kapuso!