Alay kina Nanay at Tatay (2)
(Karugtong) Sana, wala ng magulang ang papanaw habang kinakamtan ng anak ang pangarap na mag-aahon sa kanilang paghihirap. Narito ang isang liham, alay kina Nanay at Tatay na nasa bansang sinilangan. Batid kong ito rin ang nilalaman ng puso ng bawat OFW na nandito sa Holy land. Alay sa lahat ng mga mahal na magulang: ISANG BUKAS NA LIHAM PARA KINA TATAY AT NANAY Dearest Nanay at Tatay, Kumusta na kayo nanay at tatay? Sanaây nasa mabuti kayong kalagayan. Kung kami naman, Ok lang kahit medyo pagod sa maghapon at medyo sumasakit din ang likod. Pero âwag kayong mag-alala kaya namin ito. Wala lang, nami-miss lang namin kayo. Naalala lang namin ang lahat ng kabutihan nâyo, picture nâyo na lamang ang aming tinititigan, grabe⦠ganito pala ang mag-abroad. Minsan, kapag naaalala namin kayo, umiiyak o pumapatak na lamang ang luha na âdi na namamalayan. Ngayon lang namin na-realize talaga kung gaano kayo kahalaga. Syempre magulang na ang iba sa amin kaya sorry kung nabigyan namin kayo noon ng mga hindi maganda. Natatakot din kami na baka isang araw hindi na tayo magkikita - huwag naman sana. Hindi naman namin alam kung ano ang magiging kahihinatnan namin dito. Bbasta mag-ingat na lamang kayo lagi, gayundin ang aming gagawin dito. Pakitingnan na lamang lagi ang mga anak namin â ang mga apo nâyo. Kung may nararamdaman kayong âdi maganda sa inyong katawan, magpa-chek-up agad kayo. Sabihin nâyo na lamang kung magkano ang kailangan at puwede naming itulong sa inyo. Bbasta ang mahalaga,-ligtas kayo. May mga kaibigan din kasi kami na habang nandito at nagtatrabaho, pumanaw ang magulang nya. Natatakot din kami na baka sa amin din mangyari ito. Basta manalangin na lamang tayo na sana habaan pa ng Diyos ang inyong taglay na buhay at lakas. Gustong-gusto na namin kayong makita pero wala pang sapat na pera para magbakasyon. Gusto naming na makita kayo at mayakap. Ang hirap din sa kalooban, mabigat. Wala namang magagawa at mangyayaring maganda kung nandyan lang kami at magtitiis sa kakarampot na kita. Sakripisyo talaga. Sana balang-araw, magkikita rin tayo... sasalubungin nâyo kami sa airport na buhay at malakas. âYan na lamang ang aming ipinapanalangin. Basta magpakatatag din kayo dahil mahirap at masakit sa amin na malaman na kayoây nagkakasakit, nasa banig ng karamdaman, o nasa ospitalâ¦.hindi kami nakakatulog, kinakabahan kami lagi. Lalo naât naaalala namin ang mga iniwanan naming mga anak na hindi namin nakikita ang paglaki - kung ano o may kinakain pa sila, kung sinu-sino ang nakakasama nila, grabe⦠Ang hirap ânay, âtay. Ang bigat sa kalooban. Minsan, gusto na naming umuwi at sumuko ngunit kung naaalala namin kayo, tsaka na ang bakasyon at mag-iipon na lamang. Basta, bahala na kayo dâyan, pakitingnan ang mga anak naming. Sa inyo na namin iniaasa ang responsibilidad, pasensya na. Tatawagan namin kayong lagi ha? Hala, sige na, naiiyak na rin kami. Nagsama na ang aming uhog at luha (maalat pala). âDi bale, pagdating namin, maipapagawa na ang bago nâyong pustiso para makatawa kayo ng todo-todo. Sa ngayon, ngumiti lang muna kayo ha. Huwag ilalabas ang inyong ngipin, nakakahiya kay Meyor. Mag-toothbrush na kasi kayo dahil amoy pinapaitan daw bunganga nâyo (juice ko!). Huwag na rin kayong nagpupunta sa ilog at sasabayan ang kalabaw na maliligo, may shower at bath tub na kayong bago, masanay na po kayo. Remember, ang anak nâyo nasa Holy Land. Ganyan ang gamit namin dito dahil ang aming amo, hindi gaanong naliligo. Malapit na pala ang Pesach, mapupuno na sa wakas ang pakegs dahil maraming magtatapon ng gamit. May napulot na akong inidoro, kaserola, washing machine, mga plato, kutsara, plantsa, mga damit - at least mapundar ang mga anak nâyo rito. Mag-ingat kayong lagi ha. Huwag kayong masyadong nag-aalala sa amin dito dahil nasa mabuti naman ang aming kalagayan. Regards na lamang sa lahat ng ating kamag-anak, kaibigan, mga kapit-bahay natin dâyan. Hanggang sa muli. Yoseff E. Siador Jerusalem, Israel