Diyos ang kaagapay sa tagumpay
Magandang araw po sa lahat na mga OFW. Ang hirap ng buhay dito sa ibang bansa ay tinitiis natin para sa ating pamilya na naiwan sa Pilipinas. Ang dami rin sanang iba pang mga kababayan na gustong umalis ng Pilipinas para makahanap din ng magandang trabaho sa ibang bansa, pero ang dami ring masamang mga kababayan na walang ginawa kundi ang manloko⦠sa madaling sabi mga illegal recruiter. May mga nakausap akong kasamahang OFW at naitanong ko sa kanila kung ilang taon na silang nagtrabaho rito sa labas (ng bansa), merong iba 10years to 20years. Ang hirap pong isipin na sa ganung katagal ay subsob pa rin sila sa pagtatrabaho sa abroad. Ako po ay may limang taon ng nagtrabaho rito sa labas at pauwi na para makasama ang aking pamilya sa âPinas - for good. Ito po ay sa dahilang meron na akong nasimulang negosyo. Nagsimula kami ng aking maybahay sa maliit lamang na negosyo. May pangyayaring bumagsak ito pero ito ay natustusan pa rin ng aking kinikita sa abroad. Hangang sa natutunan na namin ang wastong pamamaraan nito at tuluyan ng lumaki. Sa limang taong pag-abroad ay meron na rin akong nabiling bahay, lupa at magandang sasakyan. Sa hirap ng trabaho natin sa abroad dapat natin itong magamit ng husto. Una po ay âwag nating hayaan na ang mga naiwan natin sa âPinas ay umasa na lamang sa padala nating pera. Dapat ay turuan din natin sila na maghanap ng maaring pagkakitaan habang meron pa tayong pangtustos sa kanila. Ang dami pong home based business na matutunan sa atin. Meron sa TLRC, DOST, Entrepinoys, at iba pa. Pwedeng magsimula sa maliit lamang at mahanap din natin kung anong klaseng negosyo ang hilig natin. Ang success po ay nasa atin, at ito ay lalo pang madaling makamit kung malakas po ang pananalig natin sa Panginoon. Meron nga po tayong pera, magandang kalusugan at kaalaman. Pero kung wala po tayong yaman sa spiritual life natin ay mahihirapan po tayo. Hanga po ako sa mga kababayan natin na binabanggit ang pangalan at pasasalamat sa Panginoon. Sa lahat na bagay na nakamit at meron sila - malaki man o maliit - kilalanin po natin ang Panginoon at ibigay natin ang buhay natin sa kanya at hinding-hindi po nya tayo pababayaan. Maganda ang takbo ng buhay natin at maintindihan natin ito ng husto kung Diyos ang number one sa buhay natin. âWag po tayong mang-iinggit sa kapwa natin ng magkaroon tayo ng peace of mind. Pagkasyahin po muna ang ating kinikita at âwag gumastos ng sobra. Yung iba po ay nagtatanong kung paano hahanapin ang Panginoon? Marami po tayong kasama sa katabi natin na kilala ang Diyos. Sumama po tayo sa kanila, âwag nyo pong isipin kung anong grupo sila dahilang Ppanginoon ang hanap natin. Hindi po ang Pastor o leader natin ang magpapabago ng buhay natin kundi ang Diyos po lamang. Ako ay isang Katoliko rin, ako ay inimbitahan ng isang kaibigan sa simbahan nila at sumama po ako. Hindi rin ako tumagal dun dahil nahalata ko rin na sobra-sobra na man ang pangongolekta ng pera. Siguro ay Diyos din ang nagbulong sa akin na âwag ng tumagal dun. Pero hanggang ngayon nasa akin pa rin ang pananalig sa Diyos at hinding hindi na mawawala iyon. Mabuhay po kayong lahat at maraming salamat sa ating Panginoong Diyos. Cecil / UAE Mga Kapusong Pinoy! Nagpapasalamat po kami sa patuloy ninyong pagtangkilik sa ating Pinoy Abroad section ng GMANews.TV. Nakakataba ng puso ang inyong pagtitiwala na ibahagi ang inyong saloobin sa ating Kwentong Kapuso na tunay naman nagbibigay ng inspirasyon at kinapupulutan ng impormasyon ng ating mga kababayan. Kaya muli po, iniimbitihan namin kayo na patuloy na magpadala ng inyong maikling kwento, tula, awitin, litrato, at iba pang sariling katha tungkol sa iyong karanasan. Hindi natin alam baka kapulutan pa ito ng aral ng iba nating Kapuso na nasa ibang bansa o nagbabalak pa lang makipagsapalaran sa labas ng Pilipinas. Maaaring ang inyong ibabahagi ay magsilbing inspirasyon sa mga kababayan natin nalulungkot at nangungulila sa kanilang mahal sa buhay. Ito ang pagkakataon na makapagkwento ka, magbahagi ng inyong pananaw o magpaabot ng iyong saloobin. Masaya, malungkot, tungkol sa tagumpay o kabiguan o kahit wala lang...makapag-kwento lang at magkaroon ng pagkakataon na makipag-ugnayan sa ating mga kababayan saan man dako sa mundo. Kaya ibalita na sa ating mga kababayan ang Kwentong Kapuso at mag-email sa Pinoyabroad@gmanews.tv. Lagi ring bisitahin ang ating website na www.gmanews.tv para sa mga sariwang balita, impormasyon at iba pa sa loob man o labas ng Pilipinas. Maraming salamat po sa inyong pagtitiwala mga Kapuso!