Karanasan ng Pinoy teacher sa Saudi
Ako po si Roland, isang guro ng wikang Ingles dito sa Jubail, Saudi Arabia. Bagamat Ingles ang pang-araw-araw na ginagamit kong salita sa loob ng paaralan, ninanais ko pa ring mag-Pilipino sa inyo dahil alam kong kakaiba ang dating ng sariling wika natin. Tatlong taon na ang nakalipas noong nilisan ko ang ating bayan. Bagamaât taon-taon din naman kami ng aking pamilyang umuuwi para magbakasyon. Noong una mahirap sa maraming kadahilanan. Ngunit habang tumatakbo ang panahon ay tila ba nagiging gawi na rin at nakasanayan. Salamat sa Diyos at isa ako sa mga mapalad dahil sa sandaling panahon lamang ay muli kong nakasama ang mga pinakamamahal ko sa buhay. Paano mamuhay ang isang guro sa disyerto? Mahirap bang magturo ng wikang Ingles sa mga Saudis? Sana masiyahan kayo sa kwento ko at nawaây makapulot kayo ng aral sa mga magaganda at ilang âdi kanais-nais na karanasan ko rito sa Saudi Arabia. Ang Jubail ay hindi kalumaang syudad sa bandang silangan ng Saudi. Bagamat syudad sya ay kitang-kita mo pa rin ang malaking bahagi ng disyerto rito. Meron din namang mga kabahayan, gusali at iba't ibang establisyamento o estruktura. Ngunit kitang-kita mo pa rin ang malabuhanging kapaligiran dito, konti ang tao at karamihan ay mga expats na ginagampanan ang mahihirap at mabibigat na trabaho. Ako naman ay dating guro sa kolehiyo sa kalakhang Maynila. Sanay ako sa buhay ng Maynila sa kadahilanang mahigit isang dekada akong nagturo sa Unibersidad ng Maynila (UM), De la Salle, FEU, Benilde at San Beda bago akong nagpasyang mangibang bansa. Dalawang bagay ang nagtulak sa akin para mangibang bansa; Una ang makapag-ipon at pangalawa ay ang magkaroon ng karanasang maging isang "international lecturer". Hindi ko hangaring yumaman basta magkaroon lang ako ng bahay at sapat na ipon para sa pagpapaaral ng aking dalawang anak sa magandang kolehiyo balang araw. Kung ako'y papipiliin kung saan ko gustong mananatili balang araw, iyan ay walang iba kundi sa Pilipinas pa rin. Sa unang tanong kung paano mamuhay ang isang guro sa disyerto, âsimpleng buhay" ang kasagutan. Kung ano ang kailangan ng pamilya ay siya lamang ang pinagtutugunan naming mag-asawa. Tamang pagkain, kasuotan at katamtamang estilo sa buhay. Hindi pinupulot ang pera rito kundi pinagpaguran. Madaling kumuha ng mga mamahaling gadyets dito tulad ng digi-cam, videocam, cellfone, playstations, laptops at iba pa. Kasi abot presyo ang lahat base sa kinikita ko. Hindi pagtitiis kundi tamang pagtitipid ang ginagawa namin laloât naramdaman namin ang halaga ng kinikita kapag ito ay ginagastos namin sa tamang mga bagay dito sa Saudi at diyan sa Maynila. Ang malaking bahagi ng badyet namin ay ginugugol sa pagkain dahil ito ang pinakaimportante sa amin. Sa halos lahat ng araw, ang pagkain namin ay pagkaing Pinoy at lutong-Pinoy; isda o beef, gulay at prutas ang laging nasa mesa. Sa loob ng isang buwan pinakamarami na ang dalawang beses ang kumakain sa labas o restawran. Sa pangalawang tanong kung mahirap bang magturo ng wikang Ingles sa mga Saudis? Sa ating mga Pinoy, ordinaryo sa atin na nakakaintindi ng Ingles bagamat hindi tuluyang makakapagsalita. Nakakagulat na ang buong akala ko ay wari panaginip lamang, dahil ang karamihan sa kanila - kung hindi man lahat - sa loob ng silid-aralan ay "monosyllabic" o isang salita lamang ang alam. Kapansin-pansin ang pagkamangha nila tuwing ako'y nagsasalita. Sa hinahaba-haba ng salita ko noong una ay wala palang nakakaintindi at tila ang kausap ko ay pawang punong-kahoy o hangin lamang. When I was in the Philippines way back 4 years ago, I taught composition writing, research, oral communication, and literature. It is, indeed, beyond imagination that I would teach English in the most fundamental approach: action, object-naming, words-translation, drills and repetition. At the end of day, I found myself exhausted both mentally and physically. Ang guro ay guro kahit saan man, sanay sa hirap ng pagtuturo. Hindi ko iniisip ang hirap kundi ang matuto kahit papaano ang aking mga estudyante. Masarap isipin na may mga tao kang natutulungan, at tuwing matapos ang klase may nagpapasalamat. Na makita mo sa kanilang mukha ang tuwa na makapagsabi na sila ng, "How are you? I'm fine. Thank you!" Ang nasa isip ko ay pawang mga kinder o nasa mababang paaralan ang aking mga tinuturuan. Sa kabilang banda, marami ang naghahangad na makapangibang bansa ngunit hindi pinapalad. Sa akin, ito ang aking swerte sa pagtuturo. I will continue doing what I feel is right and will remain dedicated to my work despite many challenges. Ito ay buod lamang o ika nga "tip of the iceberg". Kung may pagkakataon, ihahayag ko sa inyo ang nakakamangha at mala-komedyang karanasan ko bilang isang guro rito sa Saudi Arabia. - GMANews.TV