Mapait na 'mukha' ng OFW
Nabasa ko po yong mga success stories ng mga OFWs dito. Masuswerte ang mga pamilya ng mga matitinong OFWs na ito. Marami na rin kasing mga pamilya ang nasira dahil sa pagkakalayo gawa ng hanap-buhay sa ibang bansa. Maraming ama at ina na tila nakakalimot sa tunay na dahilan ng kanilang pagiging OFW - ang magsakripisyo para gumanda ang kani-kanilang mga buhay. Anuman ang dahilan nila sa pagtalikod sa kani-kanilang mga pamilya at pag-aasawang muli, ang iba ay nagpapa-Muslim doon para âdi mahuli ng batas. Hindi nila inisip ang mga anak at asawang nasira na ang buhay gawa ng kanilang pangangalunya. Ito sana ang mabigyan ng pansin ng OWWA at ng Embassy natin especially sa Riyadh kung saan napakaraming mga may-asawa rito (sa Pinas) at may-asawa rin doon â mapalalaki o mapababae. Nawala na ang sense of morality ng mga tao kapalit ng kaunting dolyar kaya nakakalungkot. Kadalasan, ang tunay na mga pamilya ay iniiwan na at ang nagsasama ay ang magkakalaguyo roon. This is no hear-say, ito ang mapait na katotohanan. Ang nanditong kabiyak walang kamalay-malay sa gawaing ganito ng asawa roon. At kung malaman man niya - ang kawawang iniwan ay walang magawa. Napakamahal yata ng magpa-annul (ng kasal). Kadalasan ay wala namang makuha itong proof na ang kabiyak ay nagloloko na nga roon. Basta âdi na lang umuuwi at âdi na rin nagpapadala. Ito ang isang mukha ng buhay-OFW. Napakasakit at napakasaklap para sa mga biktima. Hangga't walang napaparusahan sa mga gumagawa nito roon, magpapatuloy ang ganitong kalakaran ng mga OFWs. Thanks, J. Lanao