Sayang ang bakasyon
Magandang araw po sa lahat ng mga OFW! Ako po ay isa sa mga manggagawa sa Iraq. Nagtatrabaho po ako sa isa sa pinakamalaking security company dito sa Iraq bilang administrative assistant. Halos four 4 years na ako rito at âdi pa nakakauwi sa ating bansa dahil sa ipinaiiral na travel ban ng pamahalaan sa Pilipinas. Hindi kami makauwi dyan kahit binigyan kami ng isang buwan na bakasyun ng aming kumpanya every after 3 months. Dahil nanghihinayang kami na mawalan ng trabaho kapag umuwi dyan, tinitiis na lang namin ang mawalay sa pamilya. Hindi naman namin kayang kitain dyan ang pinapasahod sa amin dito na $5000 sa isang buwan. Tinitiis namin na âdi makita ang aming pamilya nang matagal na panahon para lang mabigyan namin sila ng magandang buhay. Sana alisin na ng Pangulo (Arroyo) natin ang travel ban na âyan. Total maganda naman ang kalagayan namin dito. Maraming salamat po at mabuhay po kayo! F Garcia Baghdad International Zone Maligayang Pasko at Masaganang Bagong Taon mga Kapusong Pinoy! Marami kaming natatanggap na papuri at pasasalamat mula sa ating mga kababayan sa abroad dahil sa ating Kwentong Kapuso. Nagpapasalamat sila dahil nabigyan sila ng puwang sa Pinoy Abroad section ng GMANews.TV na marinig ang kanilang saloobin. Ang iba naman na hindi nagbabahagi ng kanilang kwento ay ipinapahatid ang kanilang pasasalamat dahil nakakapulot sila ng aral at kaalaman sa mga Kapuso natin na nagpadala ng kanilang kwento. Mas marami ang nagsasabi na ang kwento ng iba ay kwento rin nila. Dito ay nalalaman nila na hindi lang sila ang dumadaan sa ganoong mga sitwasyon. Mga kwentong humaplos sa kanilang puso at nagpapatatag sa kanilang kalooban. Nais po naming ipaalam sa inyo mga Kapuso sa abroad na kami ang dapat magpasalamat sa inyong pagtitiwala na ibahagi ang inyong kwento. Ang bawat pagbubukas nyo ng inyong puso - malungkot man o masaya - ay nagbibigay sa amin ng kaalaman kung papaano ang buhay ng malayo sa bansa, lalo na sa mga mahal sa buhay. Hindi kami magsasawa na basahin ang inyong kwento, maigsi man ito o milya-milya ang haba. Kahit ang laman nito ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, nagsusumbong, nais lang magpatawa o kaya naman wala lang, dahil walang magawa. Ang effort nyo na magbukas ng computer o laptop, at bisitahin ang ating GMANews.TV ay malaking pasasalamat na - papaano pa kaya ang maglaan kayo ng panahon na magtipa ng inyong kwento at ipadala sa amin - ay talagang nagpapataba ng aming puso. Kaya hihintayin pa rin namin ang inyong mga email sa Pinoyabroad@gmanews.tv para magkaroon ng pagkakataon na makipag-ugnayan sa ating mga kababayan saan man dako sa mundo. Saludo po kami sa inyong pagsasakripisyo mga Kapuso. At maraming salamat sa inyong walang tigil na pagtitiwala.