Masarap, mahirap maging OFW (1)
âLadies and gentlemen, we have just landed at Bangkok International Airport. Thank you for flying with us and we hope you enjoy your stay in the land of smiles." Malinaw kong natandaan ang mga sinabi ng stewardess nang ang eroplanong sinakyan ko ay lumapag na sa paliparan. Mariin niyang sinabi, âWe hope you enjoy your stay in the land of smiles." Sana nga po, nasabi ko sa aking sarili. Sinabayan ko ang agos ng mga pasahero patungong Immigration Section. âSawasdee krupp. Ma jak nai krupp?" Narinig kong sinabi ng mama sa booth. "Panginoon ko, ano bang pinagsasabi nito?" âSorry, I donât understand you," sagot ko sa mama. Pero ngiti lang ng isang inaantok ang itinugon niya sa akin. Sabay abot na sa aking pasaporte matapos niya itong tatakan. Tuloy ang pagsunod ko sa agos ng mga pasaherong papalabas ng Immigration Section. Nakuha ko na ang aking bag at bago ako tuluyang nakalabas ng airport, naka-ilang âIâm sorry, I donât understand you" ako sa bawat mama o ale na nagtangkang kumausap sa akin sa salitang siyento- porsyentong banyaga sa aking pandinig. Salamat na lamang at may sumalubong sa akin, isang kapwa Pinay. Naihatid ako ng maayos sa staff house kung saan may nakalaan ng maliit na kuwarto para sa akin. Nang mapag-isa na ako sa loob ng aking silid, noon ko naramdaman ang unang kirot ng lungkot na maging malayo at ma-homesick. Bigla, naisip ko ang aking mga mahal sa buhay lalo na ang aking mga supling. Naiwan sila sa aming probinsiya sa pag-aaruga ng aking bunsong kapatid. At malinaw na malinaw pa sa aking isipan ang bilin nila: âIngat ka Mama sa pupuntahan mo, at sana makabalik ka sa amin na walang anumang problema. Mami-miss ka namin." Bagamaât malalim na ang gabi noon, naging madamot ang antok para sa akin. May agam-agam sa aking isipan. Anoâng buhay ang aking haharapin sa lugar na ito? Sa unang araw ko sa opisina, tulad ng inaasahan, language barrier ang una kong naging problema. Paano ba naman at maski simpleng English eh hindi ako maitindihan ng mga kasamahan ko? Tuloy, naging interpreter ang aming amo. Subaliât sa kabila ng lahat ng hirap sa pakikipag-usap sa mga lokal na kasamahan ko, sinikap kong gampanan ang bawat gawaing iniatang sa akin. âYon naman ang importante, âdi ba? Nagpalitan ang simoy ng panahon, dumating at lumipas ang tag-ulan at tag-araw. Ang mga dahon ng kalendaryo ay isa-isang nalagas. Masarap isipin na sa loob ng kulang isang taon ay may bago ng television set, video player, stereo at refrigerator sa aming bahay. Unti-unti na ring naipa-repair ang aming maliit na bahay, bagamaât âdi pa masasabing bahay-marangya. Sina Mama at Papa naman ay mayroon nang maliit na niyogan na napagkukunan ng pangtustos sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan. Higit sa lahat ay mayroon na silang pambili ng gamot na tumutulong sa paghaba ng kanilang buhay. Nakapagpadala na rin ako ng maliliit na alahas sa bawaât isa sa kanila. At siyempre pa, regular nilang natatanggap ang halagang ukol naman sa pang-araw-araw na gastusin, pati na ang halagang para sa pag-aaral ng mga bata. âDi baât masarap isipin ang makapagbigay ng konting ginhawa at luho sa ating mga mahal sa buhay? (Itutuloy) - GMANews.TV Indang ng Bicol Mga Kapusong Pinoy! Maraming salamat sa nagdaang taon ng ating kwentuhan. Maraming salamat sa inyong pagtitiwala at binuksan ang inyong buhay para ibahagi sa iba. Ang mga karanasan, saloobin, payo, at kung ano-ano pa na ibinahagi nyo sa Kwentong Kapuso ay nagbigay ng lakas ng loob, dagdag na kaalaman at pumawi ng kalungkutan sa marami nating kababayan na malayo sa kanilang mahal sa buhay. Sana'y hindi kayo magsawa sa pagbisita sa ating pambansang website na GMANews.TV at silipin ang iba't-ibang bahagi nito lalo na ang Pinoy Abroad at OFW Station na sadyang nilikha para sa inyo. Muli ang papuri at pasasalamat ay ibinabalik namin sa inyo mga kababayan naming nagtitiis sa ibang bansa upang mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga mahal sa buhay. At tulad ng nagdaang taon, hinding-hindi kami magsasawa na basahin ang inyong kwento, maigsi man o milya-milya ang haba. Kahit ang laman ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, nagsusumbong, nais lang magpatawa o kahit wala lang, dahil walang magawa. Hihintayin pa rin namin ang inyong mga email sa Pinoyabroad@gmanews.tv para magkaroon ng pagkakataon na makipag-ugnayan sa ating mga kababayan saan man dako sa mundo. Saludo kami sa inyo mga mahal naming kababayang Pinoy sa abroad! Mabuhay kayo mga Kapuso!