ADVERTISEMENT
Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad

Sa lahat ng mga Ina


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Itong mail na 'to eh to pay tribute to all mothers. Nabasa ko to sa isang magazine when I was in Taiwan. Although fiction lang pero touching naman. Actually, it was written in English pero mas maganda kung tatagalugin ko na lang since I'm not fluent enough in English. Ang eksena ay sa langit. Mayroong isang baby na nabalitaan niya na malapit na siyang ipadala sa lupa. Sa kanyang pagkabalisa, naisipan niyang magtanong sa Panginoon; BABY: Panginoon, nabalitaan ko po na malapit nyo na raw akong ipadala sa lupa, totoo po ba yun? PANGINOON: Oo anak, napakalapit na. BABY: Ha!? Eh paano po ako mabubuhay doon eh napakaliit ko pa? PANGINOON: 'Wag kang mag-alala. May naghihintay na sa'yo sa lupa na guardian angel mo. Siya ang mag-aalaga sa iyo at magbibigay ng lahat ng pangangailangan mo. BABY: Sabi po nila mayroon daw pong masasamang tao dun. PANGINOON: Ipagtatanggol ka ng guardian angel mo, kahit buhay pa niya ang kapalit. BABY: E paano ko pong maiintindihan ang mga pinag-uusapan nila doon? PANGINOON: Tuturuan ka ng guardian angel mo ng lahat ng pinakamabubuting salita na may paggalang sa kapwa mo at sa mga nakatatanda. BABY: E paano po kung gusto ko po kayong kausapin? PANGINOON: Tuturuan ka ng guardian angel mo kung paano magdasal, at alam ko na palagi niya akong ipapaalaala sa'yo. BABY: Ganoon po ba. Ibig sabihin po lahat eh gagawin sa akin ng guardian angel ko? PANGINOON: Lahat lahat. Hindi mo pa sinasabi sa guardian angel mo, gagawin na nya. BABY: Salamat po Panginoon. Pero puwede ko po bang malaman ang pangalan ng guardian angel ko? PANGINOON: Hindi na importante ang pangalan ng guardian angel mo. Basta ang itatawag mo sa kanya...INAY. Sana po nagustuhan nyo. Sa lahat ng INA o NANAY sa buong mundo, maligayang araw ng mga Ina. At sa aking kabiyak na si Mrs. Virgie Lumibao, I LOVE YOU SO MUCH... JO Mga Kapusong Pinoy! Maraming salamat sa patuloy ninyong pagtitiwala at binuksan ang inyong buhay sa Kwentong Kapuso upang maibahagi sa iba. Ang inyong mga karanasan, saloobin, payo, at kung ano-ano pa na ibinahagi nyo sa amin ay nagbibigay ng lakas ng loob, dagdag na kaalaman at pumapawi sa kalungkutan na nararamdaman ng marami nating kababayan na malayo sa kanilang mahal sa buhay na naiwan sa Pilipinas. Sana'y hindi kayo magsawa sa pagbisita sa ating website na GMANews.TV at silipin ang iba't-ibang bahagi nito lalo na ang Pinoy Abroad at OFW Station na sadyang nilikha para sa inyo. Muli, ang papuri at pasasalamat ay ibinabalik namin sa inyo mga kababayan naming nagtitiis sa ibang bansa upang mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga mahal sa buhay. Patuloy kaming hindi magsasawa na basahin ang inyong kwento - maigsi man o milya-milya ang haba. Kahit ang laman nito ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, nagsusumbong, nais lang magpatawa o kahit wala lang at nagpapalipas lang ng oras. Inaanyayahan din naman ang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na may bahagi sa buhay ng isang OFW na nais magpaabot ng kanilang saloobin sa kanilang minamahal na nakikipagsapalaran sa ibayong-dagat. Hihintayin pa rin namin ang inyong mga email na maaari ninyong ipadala sa Pinoyabroad@gmanews.tv Sa aming mga kababayan saan mang bahagi ng mundo, saludo kami sa inyo mga Pinoy sa abroad! Mabuhay kayo mga Kapuso!