We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
(Karugtong) Ang sama talaga ng ugali ng ibang Pilipino rito. Kung alam nila na takas ka, lalo kang pag-iinitan, ayaw kasi nilang malamangan lalo na yung may mga hawak na papel o iyong mga legal ang pag-stay dito. Sila na yung legal, sila pa ang magpapahamak sa kababayan nila. Kaya lalo ka lang malulugmok at lalong walang pag-asa na makauwi. Kasi mahihirapan kang makaipon para sa matubos ang passport at makabili ng plane ticket. Lahat pa naman dito binabayaran at ang mahal ng bilihin lalo na ang pagkain at bahay. Yung pa nga parang sardinas na ang mga tao dahil nagsi-share sila sa isang kwarto. Ang pinakamababa sa bahay dito ay US$500 kaya hahanap ka ng kasama para makatipid. Kung hindi ka naman uupa wala kang ring titirhan. Kapag magtatrabaho ka sa mga restaurant US$300 lang talaga ang pasahod dito. Kaya paano ka makakaipon at makapagpapadala kung kulang pa ang kinikita mo sa panggastos mo rito. Tapos minsan magagalit pa pamilya mo kapag âdi ka nakapagpadala. Sana po talaga may makarating dito para alamin ang tunay na problema namin dito. Makikita nâyo na parang probinsiya lang ang pinuntahan naming, sobrang dumi ng kapaligiran kaya âdi malayo na magkasakit kami. Padami pa ng padami ang Pilipina na dumarating dahil sa mga agency sa atin diyan sa Pinas. Sana po ay maiparating ninyo at ipaalam sa mga kababayan natin na nagbabalak na pumunta rito ang sitwasyon dito.
Kung katulong din lang ang propesyun na papasukan nila please, please, please huwag na po kayong tumuloy para hindi na kayo mapabilang sa listahan ng mga Pilipina na nagdudusa rito.
â Lanie F
Kung katulong din lang ang propesyun na papasukan nila please, please, please huwag na po kayong tumuloy para hindi na kayo mapabilang sa listahan ng mga Pilipina na nagdudusa rito. Mga nurses at office worker lang ang tumatagal dito. May sariling kuwento rin po ako tungkol sa kalagayan ko rito. Dumating po ako rito sa Sudan noong 2007 at ngayon ay December 2009 na. Untill now âdi pa ako nakauuwi sa Pilipinas, magti-three years na ako rito. Kasi katulad ng ibang Pilipina, may problema rin ako sa passport at visa ko. Umalis din kasi ako sa amo ko dahil sa ginagawa nila sa akin na once a day lang kung pakainin, then 3 hours lang palagi ang tulog ko. Ilang beses na akong isinugod sa hospital dahil sa over fatigue. Tatlo ang anak nila at lima silang matatanda na pinagsisilbihan ko. Ang bahay nila tatlong palapag nila at mag-isa lang ako na nagtatrabaho. Sabi kasi ng agency ko noon, marami kaming magtatrabaho sa bahay na yun. Pero pagdating ko, ako lang palang mag-isa at sa laki ng bahay. Nahilo ako sa laki nang unang araw ko. Habang tumatagal lalo silang nagiging masama, pati cellphone ko kinuha nila at itinago. Bakit daw ako laging tumatawag sa family ko at nagsusumbong ng mga ginagawa nila sa akin. Kapag nagsusumbong kasi ako sa family ko, tinatawagan ng magulang ko ang agency kaya tinatanong ng agency ko ang amo ko kung totoo nga iyon. Salbahe talaga ugali nila sobra, kaya âdi ako nakatagal . Four months lang ko dun sa kanila then umalis na ako. Buti habang naglalakad ako may nakita akong Pilipino, âdi rin ako pinabayaan ni God. Suwerte ko pa rin at may natulugan ako nang araw na iyon. Sumunod na araw dinala nila ako sa Pilipina na may asawang Sudanese para doon magtago kasi pinahanap ako ng amo ko sa mga pulis. Buti nga nakaalis ako sa accommodition nila bago pumunta doon ang amo ko. Tapos ibinigay ng amo ko ang number niya sa mga Pilipino para daw in case na makita ako tawagan siya. Then tinawagan ng mga Pinoy âyong Pilipina na nagtago sa akin at ibinigay ang number ng amo ko. Ang ginawa ng Pilipina, ipinakausap niya sa Sudanese niyang asawa ang amo ko.
Sana may mga taong handang tumulong sa mga kababayan natin na gusto ng umuwi dahil karamihan dito 5-6 years nang âdi makakauwi. Ako 3 years na, napakatagal ko nang âdi nakikita ang pamilya ko at isa kong anak. Kung may gusto pa po kayong malaman at matutulungan ko kayo, handa po akong makipagtulungan para makauwi na kaming mga stranded dito.
â Lanie F
Ang sabi raw ng amo ko, kung ayaw ko na raw sa kanila ay bayaran ko ang ginastos nila at nagpromise na hindi ako ipahuhuli sa pulis. After nun ang pinroblema namin kung saan ako maghahanap ng bagong trabaho. Nahirapan din akong makahanap ng trabaho dahil wala akong back-up. Kahit saan talaga dapat may magrerekomenda muna saâyo bago ka tanggapin sa trabaho. Nag-stay ako ng five months na walang trabaho at âdi rin ako nakakapagpadala ng pera sa Pinas. Pero nagpapasalamat ako dahil naiintindihan ako ng family ko. Hindi ako tumigil sa paghahanap ng trabaho, kahit part-time lang pinapasukan ko para may pang tustos lang ako sa daily needs ko. Siyempre âdi ko naman dapat iasa sa taong kumupkop sa akin ang mga iyon. Tapos nagpalipat-lipat na ako ng tirahan, kung saan-saan ako nakitira at samuât-saring problema na kinaharap ko na âdi biro. Awa ng Diyos ay nakahanap ako ng mga kaibigan na tumulong sa akin na makapasok ng trabaho bilang waitress. Doon nagsarili na ako, kailangan ko na ring umupa ng kuwarto dahil hindi puwedeng nakikitira lang ako palagi. Pati pagkain ko at pamasahe sa akin lang. Nag-start ako ng sahod na US$250 at hinahati-hati ko lang sa house rent ko at pagkain etc. Minsan wala akong maipadala dahil gusto kong makaipon ng pera para matubos ang passport ko na halagang US$1,700 . Nakakabaliw isipin kung saan ako kukuha ng ganoong kalaking halaga. Tapos may penalty pa ako dahil wala akong visa. Eh pambili ko pa ng ticket U$500 na one way. âDi âko po alam kung saan kukuha ng halagang âyan kaya hanggang ngayon pagkalipas ng 3 years ay parang walang nagbabago sa buhay ko dahil sa baba ng sahod ko rito. Pero kahit papaano naman ay nahulugan ko na ng kalahati ang para sa passport ko. Nahihirapan na po ako, âdi ko na alam kung hanggang kailan pa ako rito. Ilang beses na sumubok ang family ko humingi ng tulong diyan sa Pinas pero walang may gustong kumilos, walang nagbibigay ng pansin sa kanila. Lumapit na sila kung saan-saan at pati kay Manny Villar. Kaso sa dami po siguro ng humihingi ng tulong hindi nila mapansin lahat. Kaya sana po matulungan ninyo akong makauwi. Sana may mga taong handang tumulong sa mga kababayan natin na gusto ng umuwi dahil karamihan dito 5-6 years nang âdi makakauwi. Ako 3 years na, napakatagal ko nang âdi nakikita ang pamilya ko at isa kong anak. Kung may gusto pa po kayong malaman at matutulungan ko kayo, handa po akong makipagtulungan para makauwi na kaming mga stranded dito. Sana po maaksiyunan ito. Sana po maawa ang gobyerno natin sa mga katulad namin. Ipinagkakatiwala ko po sa inyo mga Kapuso ang kuwento ng buhay namin dito. Kayo na ang bahala sa amin. Sana tumigil na ang mga agency na magbenta ng kapwa nating Pilipino. Huwag sana nilang samantalahin ang kahinaan ng mga taong nangangailangan ng trabaho. Sana po makarating kayo rito para makita ninyo kung ano ang totoo... Maraming salamat po. God Bless Us! â GMANews.TVLanie FPanaghoy sa Sudan (1) Basahin: Mag-ingat sa SudanKamusta mga Kapuso! Sanaây hindi kayo magsawa sa pagtangkilik sa ating pitak na ito. Habang may mga kababayan tayo sa abroad - pati ang kanilang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na kabahagi ng kanilang buhay - na nais magpaabot ng kanilang saloobin mananatili po ang inyong Kwentong Kapuso. Katulad ng dati, hindi kami magsasawa na basahin ang inyong mga kuwento - maigsi man o mahaba. Kahit na ang laman nito ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, magsumbong, magpatawa o kahit nagpapalipas lang ng oras. Kaya hihintayin namin ang inyong mga email na maaari ninyo itong ipadala sa Pinoyabroad@gmanews.tv Sa mga kababayan namin saan mang dako ng mundo, saludo po kami sa inyo. Mabuhay kayo mga masigasig naming Kapuso sa abroad!