ADVERTISEMENT
Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad

Bahala na ang tadhana


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Magandang araw po sa inyong lahat na taga-GMANews at mga tagasubaybay. Past time ko na po ang magbasa ng news at isa nga po itong GMA News sa mga favorite ko. Nakita ko na mayroon palang kuwentuhan ng mga buhay-buhay sa abroad kaya natukso na po akong ibahagi ang mga pangyayari na rin sa buhay ko bilang OFW. Wala po sa hinagap ko na makakapag-abroad ako dahil maganda na rin noon (early 1990's) ang katayuan ko bilang titser (elementary school administrator) sa amin sa Cotabato province. Nakakaluwag din kami dahil bukod sa pagti-titser, may konting buy and sell din kami ng wife ko, at konting farm. All is going well ika nga, not until ipinanganak ‘yong 3rd child namin na baby-girl. Nagkaroon siya ng meningitis and in the end, nahulog sa hydrocyphalus (water accumulating in the brain cavities). Inailangan siyang operahan to insert a catheter (tube) to drain the fluids). Sa madaling sabi, malaki ang nagastos, nakahiram ako ng pera sa mga kapatid ko na OFW's din.


Hindi pala lahat ay ganun na lang kadali. Isang araw may natanggap akong text mula sa kanya pero ang mensahe ay hindi pala para sa akin. Sabi sa text: 'I am not feeling well, please come, bring cotrimoxasol capsul,you can come at 11 am...i love you honey.'
– Almesu
Thinking na mahihirapan akong makabayad kung aasahan ko lang ang suweldo ko bilang titser, nakiusap ako sa kapatid ko na hanapan nila ako ng trabaho (‘yong brother ko kasi sumusuweldo ng P100 thousand plus). Nang dumating na ‘yong work permit ko, doon ko naramdaman na parang hindi ko kayang iwanan ang pamilya ko. Sabi ko sa wife ko, hindi na lang ako tutuloy kasi hindi ko sila kayang iwanan. Pero sabi naman niya, "tumuloy ka para sa baby natin....para sa mga bata." May katwiran nga siya dahil kailangang operahan uli ‘yong bata pagdating niya ng 12-14 year old. Kaya tumuloy na nga ako dito sa abroad. Noong umpisa, okey naman ang lahat. Lagi kami nagtatawagan, text, every weekend nagcha-chat kami. Nakakausap ko rin ang mga bata. Maraming tukso siyempre rito pero hindi ko inaalis sa puso at isip ko na may obligasyon ako sa pamilya ko. Kaya naman never akong nalihis ng landas. May tiwala rin ako sa wife ko considering na kapitbahay naman niya ang mga kapatid ko. But then, hindi pala lahat ay ganun na lang kadali. Isang araw may natanggap akong text mula sa kanya pero ang mensahe ay hindi pala para sa akin. Sabi sa text: "I am not feeling well, please come, bring cotrimoxasol capsul,you can come at 11 am...i love you honey." ‘Yon ang message at kahit kailan ay hindi niya ako tinawag na "honey" dahil ang tawagan namin ay "mahal." Doon na parang gumuho ang lahat sa akin. Gusto kong magwala nang mga oras na ‘yon. Gayunpaman, nakontrol ko ang sarili ko. Ang una kong ginawa ay kontakin ang mga kapatid ko para magtanong-tanong sa kanila. Doon ko nalaman na maraming bagay palang inililihim sa akin ng wife ko. May nagpupunta nga raw sa bahay namin, kilala ko rin ang lalaki.

Dahil na rin siguro sa awa ko sa kanya at sa musmos naming mga anak, napag-isip-isip ko na bigyan siya ng chance, kaya pinabalik ko siya sa amin.

Dahil kilala ko ang lalaki, akala ng mga kapatid ko ay okey lang iyon at hindi nila sinasabi sa akin. Mula sa mga kakilala ko ay nalaman ko rin na may sumusundo sa kanya ng 5 a.m. tuwing weekend na eskedyul namin na mag-chat gayong 9 a.m. pa nagbubukas ang mga internet cafes. Marami pa akong bagay na nalaman kaya kinompronta ko siya. Inamin niya na nagpupunta nga sa amin ‘yong lalaki pero ipinagkaila niya na may relasyon sila. Pero hindi na ako nakinig sa mga paliwanag niya. Pinaalis ko siya sa aming bahay. Wala ring nagawa ang aming mga anak (10, 8, 6 and 2 years old pa lang noong mga anak naming). Wala siyang nagawa kundi umalis at nang nasa airport na siya ay muli siyang tumawaa sa akin para makiusap na huwag ko siyang ilayo sa mga bata. Handa raw siya kahit maging alila na lang daw ng mga anak naming. Kahit hindi na raw siya ang hahawak ng perang ipadadala ko basta huwag ko lang daw siyang ilayo sa mga bata. Dahil na rin siguro sa awa ko sa kanya at sa musmos naming mga anak, napag-isip-isip ko na bigyan siya ng chance, kaya pinabalik ko siya sa amin. Inisip ko na lang na hanapan siya rito (sa bansang kinaroroonan ko) ng trabaho sa akalang kung magkasama na kami ay magiging normal uli ang buhay naming at mailayo ko siya sa tukso. Sa awa naman ng Diyos ay naipasok ko siya bilang sales clerk (cashier) sa isang gas station dito. Nang mga unang buwan niya ay masaya na uli kami. Bumalik sa dati ang aming pagtitinginan. Akala ko ay nalampasan ko na ang matinding unos sa aking buhay…ngunit nagkamali pala ako. Kalaunan ay napapansin ko na ang kakaiba niyang pananamit sa pagpasok sa trabaho. Isang araw ay sinorpresa ko siya sa kanyang trabaho at walang pagsisidlan ang galit ko nang madatnan ko na hawak-hawak niya ang kamay ng isang lalaking customer. Sa galit ko ay pinagsasampal ko siya, madali ring umalis ‘yong lalaki (local resident) kaya hindi ko nakompronta. Nang gabi ring ‘yon ay hindi na ako natulog sa tinutulayan naming boarding house, doon na ko sa kapatid ko tumuloy. Hindi ako umuwi ng isang linggo hanggang sa tumatawag siya at nagpapaliwanag na wala raw malisya ‘yong nakita ko. Close friend lang daw niya ang lalaki. Ang daming pumasok sa utak ko ng mga panahong ‘yon. Gustong-gusto kong pumatay at mamatay na lang pero nangibabaw pa rin ang katinuan ko dahil na rin sa mga anak ko. Kinakausap din ako ng mga kapatid ko (tatlo sila na puro lalaki) na huwag daw akong padadala masyado sa emosyon ko. Hindi raw dapat na dahil lang sa holding hands ay masisira ng tuluyan ang pamilya ko. Kaya sa madaling sabi, nagkaayos uli kami. Okey na sana pero kung bakit talaga sigurong tadhana na hindi kami for keeps ng wife ko. Minsan kasi na naghatid ako ng lunch niya ay naabutan ko siya na may kausap sa telepono at ‘yong telepono ay hindi phone na binili ko sa kanya. Kaya ang ginawa ko ay inagaw ko ‘yong telepono sa kanya na ayaw niyang ibigay pero nakuha ko rin. Doon ko na nakita ang kanyang kademonyuhan. Nabasa ko ang mga text niya sa lalaki niya noong panahon na hindi ako umuwi sa tinutuluyan namin. Mayroon nga siyang karelasyon na tagarito, isang negro.

...inagaw ko ‘yong telepono sa kanya na ayaw niyang ibigay pero nakuha ko rin. Doon ko na nakita ang kanyang kademonyuhan. Nabasa ko ang mga text niya sa lalaki niya... Mayroon nga siyang karelasyon na tagarito, isang negro.

Dahil sa nadiskubre ko, parang gumuho ang lahat sa akin. Para akong mababaliw. Tuluyan ko na siyang iniwan at pinilit kong maging normal ang lahat sa akin. Isinubsob ko ang sarili ko sa trabaho kahit mahirap tanggapin ang mga nangyari. Minsan naisip ko na ring wakasan na lang ang buhay ko, patayin sila...pero sa huli nangingibabaw pa rin ang awa ko sa mga anak ko na maiiwan Nagdesisyon akong umuwi, nagpaalam ako sa boss ko at pinayagang akong mag-indifinite vacation. Nang makauwi ako, sinabi ko ang lahat sa mga bata. Nag-iyakan sila pero sa huli ay sila na rin ang nag-advice sa akin na kalimutan ang kanilang ina. Nandiyan naman daw sila para sa akin. Ginugol ko ang mga araw ko sa kanila, at doon ko nadama kung gaano ako kahalaga sa kanila. Naramdaman ko ang pagmamahal at pagpapahalaga ng mga anak ko sa akin. Kaya nagdesisyon ako na bumalik uli sa abroad para magtrabaho – para sa kanila. Tuluyan ko na ring inalis sa isip ko ang mga masamang nangyari. Tatlong taon na ang nakalipas mula nang mangyari iyon. Hindi na kami nagkita ng asawa ko. Wala na rin siyang kumunikasyon sa mga bata dahil ayaw rin nilang makipag-usap sa kanilang ina. Sa ngayon ay yaya lang nila na 50-year-old woman ang kasama ng mga anak ko sa bahay. ‘Yong 12-year-old (my 2nd child) daughter ko ang humahawak ng pera nila at siya na rin ang nagba-budget. So far ay hindi ako nagkakaroon ng problema sa mga anak ako, kuntento na rin ako sa sitwasyon ko. Para sa akin, tadhana na lang uli ang bahala kung ano ang bukas na nakalaan sa akin, at para sa aking mga mahal na anak. - GMANews.TV Lubos na gumagalang, Almesu Kamusta mga Kapuso! Sana’y hindi kayo magsawa sa pagtangkilik sa ating pitak na ito. Habang may mga kababayan tayo sa abroad - pati ang kanilang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na kabahagi ng kanilang buhay - na nais magpaabot ng kanilang saloobin mananatili po ang inyong Kwentong Kapuso. Katulad ng dati, hindi kami magsasawa na basahin ang inyong mga kuwento - maigsi man o mahaba. Kahit na ang laman nito ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, magsumbong, magpatawa o kahit nagpapalipas lang ng oras. Kaya hihintayin namin ang inyong mga email na maaari ninyo itong ipadala sa Pinoyabroad@gmanews.tv Sa mga kababayan namin saan mang dako ng mundo, saludo po kami sa inyo. Mabuhay kayo mga masigasig naming Kapuso sa abroad!