ADVERTISEMENT
Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad

Kung kaya ng iba, kaya rin natin


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Hello everyone! Sana nasa mabuti kayong kalagayan lahat lalo na ang mga Pilipino na nasa ibang bansa. Sumulat ako para sang ayunan at dagdagan ang sinabi ni Lisa from VA. Magkaroon sana tayo ng disiplina sa Pilipinas para mabawasan ang krimen sa ating bansa. Nakatira ako sa China ng halos tatlong taon at para sa akin ang bansang ito ay isa sa pinaka-safe na bansa basta sumunod ka lang sa batas nila. Ang mga pulis dito ay hindi nagdadala ng armas pero napaka-makapangyarihan sila. Ipinapakita nila na kaya nilang gawin lahat para mapanatili ang peace and order kahit wala silang sandata -- sa Pilipinas kaya mo ba ito? Pagdating sa mga abusadong driver sa atin, wala kayong sinabi sa mga driver dito sa China. Mabilis silang magpatakbo na parang walang linya ang kalsada, pero kapag may taong tatawid ay tumitigil sila, bakit? Dahil kapag nakasagasa sila at nakapatay, buhay din nila ang kapalit.


Bakit ba kaya nilang iangat ang bansa nila mula sa isa sa pinakamahirap noon papunta sa isa sa pinaka-mayaman at pinaka-makapangyarihang bansa sa buong mundo? Pilipinas kaya mo ba ang mga nagawang ito ng China?
– Kenzo
Sa China, kung ang buhay ang nawala, buhay din ang kabayaran. Takot ang mga tao dito na manakit ng iba. Ang batas nila ay napakahigpit kaya naman nabubuhay ang mga tao rito na masaya at tahimik. Pagdating sa corruption, ito pa ang isa sa pinaka-mahigpit na batas nila. Wala silang sinasanto kahit mataas na opisyal ng gobyerno ang sanggkot. Kung nagkasala dahil sa bribery at corruption, habang buhay na pagkabilanggo ang parusa nila. Ang Presidente nila ay tinututukan kung paano nito mapauunlad ang kanyang bansa para walang tao ang naghihirap. Magagawa ba ito ng presidente sa Pilipinas? Oo, marami ring mga nangyayari rito sa China na minsan ay ‘di rin maganda. Pero ang gobyerno nila ay ginagawa ang lahat para maging maayos ang lahat. Pagdating sa reputasyon, kilala sila na isa sa pinakamahigpit sa pagpapatupad ng batas. Kaya naman halos lahat ay sumusunod at nirerespeto ang batas dito. Makakaya ba natin ito sa Pilipinas? Karamihan sa mga intsik ay hindi marunong mag-English at hindi katulad ng mga Pinoy. Pero bakit mas maunlad ang China kaysa sa Pinas? Bakit sa mundo ay ginagalang sila at binibigyan ng halaga? Bakit ang mga foreigner na pumupunta sa China ay sumusunod sa patakaran nila? Bakit kaya nilang pasunurin ang mga nasasakupan nila? Bakit kaya nilang pamahalaan ang isang bansa na may halos bilyong tao kumpara sa bansa natin na milyon lang? Bakit nakaya nilang iangat ang bansa nila mula sa isa sa pinakamahirap noon papunta sa isa sa pinaka-mayaman at pinaka-makapangyarihang bansa sa buong mundo? Pilipinas kaya mo ba ang mga nagawang ito ng China? Sana mag-isip tayo ng mabuti mga kababayan. Hindi kailangang maging alipin tayo ninuman. Tayo ay matatalino at kaya rin nating maging katulad ng mga bansang nirerespeto sa buong mundo. Huwag nating paandarin ang pagiging gahaman natin sa salapi at kapangyarihan. Huwag nating hayaan na patuloy tayong malugmok sa kahirapan. Tulungan natin ang bansa natin na umunlad, mabawasan ang krimen at tulungan ang mga batang mahihirap na makapag-aral para makatulong sa bayan. Kung kaya ng iba, kaya rin natin. - GMANews.TV Kenzo from China Kamusta mga Kapuso! Sana’y hindi kayo magsawa sa pagtangkilik sa ating pitak na ito. Habang may mga kababayan tayo sa abroad - pati ang kanilang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na kabahagi ng kanilang buhay - na nais magpaabot ng kanilang saloobin mananatili po ang inyong Kwentong Kapuso. Katulad ng dati, hindi kami magsasawa na basahin ang inyong mga kuwento - maigsi man o mahaba. Kahit na ang laman nito ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, magsumbong, magpatawa o kahit nagpapalipas lang ng oras. Kaya hihintayin namin ang inyong mga email na maaari ninyo itong ipadala sa Pinoyabroad@gmanews.tv Sa mga kababayan namin saan mang dako ng mundo, saludo po kami sa inyo. Mabuhay kayo mga masigasig naming Kapuso sa abroad!