ADVERTISEMENT
Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad
Ang Balikbayan Box
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Balikbayan Box Ni Amos Tarana Paano pa kaya itutungtong sa lupa Itong sapatos na bagoât napakarangya? Kung lupang pag-aapakan o lalakaran Ay isa nang napakalawak na sisidlan â Imbakan ng mga journalist at sibilyan. Kanino pa kaya isusuot ang damit Na sadyang hinalukay sa magarang boutique? Kung katawan na sana ay pagdadamitan Ay binalutan na ng kasuotang punit â Makintab na barong at itim na pantalon. Sino pa kaya ang susubok na titikim Nitong Honey Toblerone Dark na mamahalin? Kung ang minamahal na sana ay kakain Ay kalas na ang ipin, ngala-ngalaât panga â Sumabog dahil sa ipinakaing bala. Ano pa kaya ang maaaring maging silbi Nitong pinag-ipunang Hi-tech Karaoke? Kung ang dating awitan ni Nonoy at Nene Ay napalitan na ng luhaât dalamhati â Hiyaw na nananawagan ng katarungan! Kailan pa kaya mabibigyan ng wakas Pagpapahirap sa lupang sabiây malaya? Kung itoây nananatili sa mga pangil Ng mga mamamatay tao at suwail â Mga pinunong iniluklok ng tatlong 'G.' - GMANews.TV Tungkol sa may-akda: Si Amor Tarana ay isa sa mga tagabasa/tagasubaybay ng KwentongKapuso/PinoyAbroad na kasalukyang nakabase sa Dubai, UAE. Nilikha niya ang kanyang blog na inialay niya sa mga kapwa OFW, at pati na rin sa mga kapusong naiwan sa ating bansa. Layunin ng kanyang mga likhang tula na ipaalam sa iba pang kapuso kung ano ang buhay, pag-iisip, karanasan at kalagayan ng mga OFW lalo na iyong mga nasa Gitnang Silangan. Kamusta mga Kapuso! Sanaây hindi kayo magsawa sa pagtangkilik sa ating pitak na ito. Habang may mga kababayan tayo sa abroad - pati ang kanilang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na kabahagi ng kanilang buhay - na nais magpaabot ng kanilang saloobin mananatili po ang inyong Kwentong Kapuso. Katulad ng dati, hindi kami magsasawa na basahin ang inyong mga kuwento - maigsi man o mahaba. Kahit na ang laman nito ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, magsumbong, magpatawa o kahit nagpapalipas lang ng oras. Kaya hihintayin namin ang inyong mga email na maaari ninyo itong ipadala sa Pinoyabroad@gmanews.tv Sa mga kababayan namin saan mang dako ng mundo, saludo po kami sa inyo. Mabuhay kayo mga masigasig naming Kapuso sa abroad!
Tags: kwentongkapuso
More Videos
Most Popular