ADVERTISEMENT
Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad

Ang 3 'M' sa pakikipagsapalaran sa ibang bansa (2)


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

(Karugtong) Para kang wala sa kulungan! Pero nakakatakot ang itsura ng mga nakakulong. Dito din ako nakapanood ng pinapalo ang likod at pinupugutan ng ulo na nagkasala sa kanilang batas. Dumating ang panahon ng kapaskuhan. ‘Yon na marahil ang pinakamalungkot na Pasko at Bagong Taon sa aking buhay. Mag-isa ka ba namang nagmumuni-muni at wala man lang mapuntahan nang araw na iyon kundi kapwa mo Pinoy sa loob ng kampo. Kinabukasan: “Hello, Dy, ikaw na ba ‘yan? Merry Christmas and Happy New Year po! Masaya po ang Pasko rito pero sigurado po mas masaya kung narito ka, ilang Pasko kang mawawala sa piling ko." Bigla sabi ko sa sarili ko, “Aray ko po! Pumalo na naman ang kirot at sakit ng homesick! Sa narinig kong iyon, tila nadurog ang puso ko na dati ng malambot. Ano ba naman ang nararamdaman ko sa Pasko? Tuloy hindi ako makapag-concentrate sa ginagawa ko. Wala kasing Pasko dito sa Saudi. “Puwede bang umuwi kahit ilang araw lang?" Biro ko sa aking manger at kasamahan.


Nang matapos ang kontrata sa kampo, nilipat ako sa factory project BRC, gawaan ito ng bakal. Dun ko naranasan na tumulay sa bakal sa taas para gumawa ng lifter. Makikita mo dun ang mga bakal na parang sinisibat ng makina at kapag tatanga-tanga ka, at napadaan ka sa alanganin, tiyak para kang BBQ dahil tusok ang aabutin mo.
– Dexter
Paliwanag naman ng aking kasamahan: “Lilipas din ang lungkot na ‘yan. Ganyan din ang naranasan namin noon nang bagong dating kami dito. Pasalamat ka nga at kahit papaano nakakarinig ka na ng mga Christmas songs sa mga biniling pirated dvds. Meron ding satellite reciver kami na pinapanooran. Sa kabilang accomodation naman ng Pinoy eh merong GMA Pinoy na nakabit" Dati, talagang wala. Kaya hindi mo namamalayan na Pasko at Bagong Taon na pala." So ano pa nga ba ang magagawa ko,? wala. Nagpalitan ang simoy ng panahon, dumating at lumipas ang tag-ulan (true, merong tag-ulan sa disyerto, once o twice a year nga lang), tag-araw at napakainit na tag-raw pala. Ang mga dahon ng kalendaryo ay isa-isang nalagas. Ipinanganak ang aking anak na wala ako sa tabi ng aking asawa. Masarap isipin na sa loob ng kulang isang taon ay nababayaran na namin ang mga utang naming. At nabibigyan ko na ng medyo marangyang buhay ang aking asawa at anak, paminsan minsan eh nakakatulong din sa iba. Nang matapos ang kontrata sa kampo, nilipat ako sa factory project BRC, gawaan ito ng bakal. Dun ko naranasan na tumulay sa bakal sa taas para gumawa ng lifter. Makikita mo dun ang mga bakal na parang sinisibat ng makina at kapag tatanga-tanga ka, at napadaan ka sa alanganin, tiyak para kang BBQ dahil tusok ang aabutin mo. Doon ko rin nasinghot ang alikabok ng bakal at pintura na masakit sa dibdib. Mabait talaga ang God sa akin, nakita at nareview ng aming opisina ang aking Curicullum Vitae (CV’s) at inilipat ako ng main office para dun magtrabaho bilang isang IT Specialist (genius talaga, hehehe) . Nagpasalamat ang kapwa ko Pinoy na nagkaroon ng representative na Pinoy sa opisina. Kasi mahirap makipag-usap sa aming opisina, iilan lang ang marunong mag-English. Ako ang naging takbuhan at hingian ng tulong nila kapag delay ang kanilang sahod, kapag mayroong problema sa opisina. Ginawa ring ng aming opisina na ako ang maging komunikasyon at negosyador sa kapwa ko Pinoy. Nagkaroon na rin ako ng partime job sa isang kilalang kainan (restaurant) dito sa Jeddah. Dito ko naranasan ang mahirap na trabaho kung saan nagsimula akong dish washer. Dun ka susuko dahil sa dami ng hinuhugasan at mabibigat na kawali at kaldero. Dun nakababad sa sabon at tubig ang iyong kamay. Pero hindi nagtagal, nakita nilang marunong akong magluto at maasahan sa kusina, ginawa nila akong “cook." Dito ko naranasan na kumayod ng halos 16 oras. Pagdating sa bahay sa gabi ay kailangan pang maglaba ng damit at saka pa lamang makakapagpahinga ng halos ala-una ng umaga. Pasalamat ako at nadagdagan ang aking kita pero mahirap. Isang umaga, matindi ang sakit ng ulo ko at kasukasuan. Nanginginig pati ang aking mga kalamnan sa kabila ng mainit na panahon. Pilit akong bumangon para maghanda sa pagpasok ngunit nahilo ako. Kaya minabuti ko na lang na muling magpahinga. “Diyos ko, Anong gagawin ko?" Gustong-gusto kong uminom ng mainit na tsaa o kape para mawala kahit papaano ang hapdi ng aking sikmura. At paano ko kaya masasabi na hindi ako makakapasok? Ang hirap ng walang kasama.

Batid ko na ang aking naranasan ay naranasan na din ng iba ko pang kapwa OFW. At habang naririto at naghahanap-buhay sa lupang banyaga, ano ang dapat nating gawin? Walang pinakamabuti kundi ang makisama ng husto sa mga taga-rito, amo man o katrabaho.
– Dexter
Pagsapit nang hapon hindi ko na kaya, pumunta akong mag-isa sa ospital at nagpatingin. Hirap ng nag-iisa sa buhay, walang nag-aalaga sa’yo kapag ikaw ay meron sakit…pero kailangan. Ang buhay ng isang Overseas Filipino Worker ay may tatlong "M - Masarap at Masaya kapag kumikita ng medyo mas malaki kaysa kinikita o kikitain sa ‘Pinas. Bunga nito, kahit papaano ay magiging magaan at maibibigay ang konting luho sa buhay para sa mga minamahal. Ngunit Mahirap dahil sa pag-iisa, sarili mo ang pagod at pawis. Umpisahan mo sa pagluluto, paglalaba, pamamalantsa, pamamalengke at iba pang gawaing-bahay. Idagdag mo pa ang pag-iisa sa lahat ng oras. Batid ko na ang aking naranasan ay naranasan na din ng iba ko pang kapwa OFW. At habang naririto at naghahanap-buhay sa lupang banyaga, ano ang dapat nating gawin? Walang pinakamabuti kundi ang makisama ng husto sa mga taga-rito, amo man o katrabaho (pati na sa ibang kapwa dayuhan). Umiwas sa anumang bagay na maaaring maging dahilan ng problema, maging matipid sa perang kinikita - gaano man ito kalaki o kaliit. At higit sa lahat, dagdagan ang kapit sa Itaas upang bigyan Niya tayo ng matinong kaisipan, matibay na kalooban at malusog na pangangatawan. Upang sa ganoon ay magampanan natin ang mga tungkuling na iniatang sa atin. Para kapag natapos ang kontrata, makababalik tayo sa ating bayan na may baong ngiti sa labi para sa ating mga sabik at naghihintay na mga mahal sa buhay. Sinabi ko sa aking sarili “sana makakita ako ng magandang pagkakakitaan sa Pinas nang sa ganun hindi na babalikan ang lupang banyaga. Ang kulungan walang rehas, at malayo sa mga mahal sa buhay." Malapit na ang aking pag-uwi kaya nasasabik na ako! – GMANews.TV Dexter Ang 3 'M' sa pakikipagsapalaran sa ibang bansa (2) Kamusta mga Kapuso! Sana’y hindi kayo magsawa sa pagtangkilik sa ating pitak na ito. Habang may mga kababayan tayo sa abroad - pati ang kanilang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na kabahagi ng kanilang buhay - na nais magpaabot ng kanilang saloobin mananatili po ang inyong Kwentong Kapuso. Katulad ng dati, hindi kami magsasawa na basahin ang inyong mga kuwento - maigsi man o mahaba. Kahit na ang laman nito ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, magsumbong, magpatawa o kahit nagpapalipas lang ng oras. Kaya hihintayin namin ang inyong mga email na maaari ninyo itong ipadala sa Pinoyabroad@gmanews.tv Sa mga kababayan namin saan mang dako ng mundo, saludo po kami sa inyo. Mabuhay kayo mga masigasig naming Kapuso sa abroad!