ADVERTISEMENT
Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad
Tula hango sa aking pinagmulan
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Tula hango sa aking pinagmulan Isang lahi't diwa, isang paniwala, tayo'y walang katulad, Tulad ng isang Ilog Akean, ang hugis ay hindi matutularan, Ang pangalan ng Villorente, na isa lang ang pinagmulan. Villorente ka nga ba, ikaw o ako, tayo, ang ating pinagmulan? Ninuno natin ay isang mandirigma, Datu Kabanyag ang pangalan, Tayo'y may dugong Malayo, ipinanganak, sa bansang ating kinagisnan. Pilipinas nating mahal, ang dugong Pilipino, dito nagdanak, Sa mga sumakop ng ating bayang ina, ipinagpalit sa pilak, Lakas nila'y pinaiiral, ang lupang hinirang, kanilang hinatak. Si Francisco Villorente, ang kadugo natin, siya ba inyong kilala? Isa siya, sa labingsiyam na martyrs, sa Aklan, panahon ng Kastila Sa ating kalayaan, magkasama sila, walang tigil sa pakikibaka. Sa pagtatapos ko, ng aking tula, ibig kong magpakilala Ako'y Villorente na totoo, nandito sa ibang bansa Kailanman hindi ko makalimutan, kung saan ako nagsimula. Isang kahig-isang tuka, lumaki ako sa ama kong Deloso Malawak ang lupain, isang haciendero, ama niya'y Kastila na lasinggero Palibhasa nalulong sa sugal, lupain niya'y naibenta, sa pagkababaero. Isang Babaylan na Villorente ang lolo ko sa ina Ipinanganak sa Libacao, nang magbinata, lumipat ng Banga Nagkapamilya dito, sa Mambusao Capiz nag-asawa. Nag-elementary ako sa Iloilo City, nag-high school sa Cotabato Nag-college sa Davao, sa Jeddah, Geneva at London, naka-pagtrabaho Sa Chicago ako ngayon, residente ng mga matanda, ito aking trabaho. Kalusugan natin ay ingatan, ang problema ay iwasiwas Wag kumain ng maraming kanin, pagkat dulot nito'y diabetes Sumayaw ng cha-cha-cha , isda ang kainin, gulay at prutas. Kapwa ko Villorente, ito ang payo, mga binatang palaibigan Iwasan ang maraming nobya, sa panganay ay padamihan Kawawa ang mga anak ninyo, sila'y hindi masusuportahan. Dito na magwawakas ang tula kong inyong tunghay Kwento-kwentuhan lang at pabulay-bulay Salamat sa inyo âpag ito'y sa Aklanon maisalaysay. - GMANews.TV Ramon V. Deloso Kamusta mga Kapuso! Sanaây hindi kayo magsawa sa pagtangkilik sa ating pitak na ito. Habang may mga kababayan tayo sa abroad - pati ang kanilang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na kabahagi ng kanilang buhay - na nais magpaabot ng kanilang saloobin mananatili po ang inyong Kwentong Kapuso. Katulad ng dati, hindi kami magsasawa na basahin ang inyong mga kuwento - maigsi man o mahaba. Kahit na ang laman nito ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, magsumbong, magpatawa o kahit nagpapalipas lang ng oras. Kaya hihintayin namin ang inyong mga email na maaari ninyo itong ipadala sa Pinoyabroad@gmanews.tv Sa mga kababayan namin saan mang dako ng mundo, saludo po kami sa inyo. Mabuhay kayo mga masigasig naming Kapuso sa abroad!
Tags: kwentongkapuso
More Videos
Most Popular