ADVERTISEMENT
Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad

Paano makakamit ang tunay na kaligayahan?


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Ang tunay na kaligayahan ni Xergio San Diego Kay sarap namnamin halimuyak ng damuhan na nililipad ng hanging amihan Ang bayang napag-iwanan ng moderninasyon at kaunlaran, ngunit sa likas na yaman …ay, hindi naman! Ang ilog kaysarap pagmasdan payapang umaagos … biglang huhugos sa ibaba ng dam Sa kabilang gilid ang kabukiran ang puno ng bayabas ay nilalambitinan Baku-bakong daan, tilamsik ng lam-aw ay iniiwasan baka sapatos na puti ay maputikan Ugtul ng pwet sa kutsong upuan nitong traysikel ay iyong asahan pati ang kamay, ihandang mainam upang ikuskus sa ulong nabukulan Sa ibaba ay karagatan, mamangka… kay sarap manapalang kasama ang mga kaibigan Mundo man ay umunlad, lumawak ang katalinuhan ako’y babalik sa lupang sinilangan sapagkat tunay na kaligayahan ang mabuhay sa sariling bayan. - GMANews.TV Xergio Kamusta mga Kapuso! Sana’y hindi kayo magsawa sa pagtangkilik sa ating pitak na ito. Habang may mga kababayan tayo sa abroad - pati ang kanilang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na kabahagi ng kanilang buhay - na nais magpaabot ng kanilang saloobin mananatili po ang inyong Kwentong Kapuso. Katulad ng dati, hindi kami magsasawa na basahin ang inyong mga kuwento - maigsi man o mahaba. Kahit na ang laman nito ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, magsumbong, magpatawa o kahit nagpapalipas lang ng oras. Kaya hihintayin namin ang inyong mga email na maaari ninyo itong ipadala sa Pinoyabroad@gmanews.tv Sa mga kababayan namin saan mang dako ng mundo, saludo po kami sa inyo. Mabuhay kayo mga masigasig naming Kapuso sa abroad!