We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Bukod sa âpagbabago," ang isa pang kahulugan para sa akin ng salitang âabroad" ay "experience." Para sa akin ang salitang "abroad" ay magkaroon ng experience makapag-work sa ibang bansa. Maraming makikilalang tao na ibaât iba ang lahi at ibaât iba ang pag-uugali. Ang nakakatuwa ay makaka-experience ka rin na maka-amoy ng iba't ibang lahi. Maiko-compare mo rin ang sarili mo pagdating sa desiplina na itinuturo sa atin ng atin mga magulang since childhood.
Ang makita at ma-experience kung paano mamuhay mag-isa na malayo sa piling ng pamilya. Matuto na maging mapag-isa, ika nga "mind your own business" kasi lahat busy. O kundi man ay iwas ka na lang sa mga kapwa mo Pinoy na sipsip, na walang ginawa kundi manira ng kapwa dahil lang sa work at sa sahod.
â Bong Carlo
Ang makita at ma-experience kung paano mamuhay mag-isa na malayo sa piling ng pamilya. Matuto na maging mapag-isa, ika nga "mind your own business" kasi lahat busy. O kundi man ay iwas ka na lang sa mga kapwa mo Pinoy na sipsip, na walang ginawa kundi manira ng kapwa dahil lang sa work at sa sahod. Minsan ikaw pa ang dahilan ng pagkasira ng araw nila, dahil nga âepal" kaming mga baguhan. Kasalanan ba namin kung ang nalalaman namin eh makabago at nakahihigit sa nalalaman nila? Kasi sa panahon ngayon, ang new experience at knowledge sa isang trabaho ang basis ng salary. Ang panahon ay nagbabago pati ang henerasyon ng kaalaman, pero âyan ang âdi nila maipasok sa isipan nila. Kaya no choice, iwas-atras na lang kami kasi hahaba lang ang gusot at lalo na't walang kakampi o kampihan. Mahirap malayo talaga, matuto na sa lahat ng bagay na âdi mo naman nakasanayan gawin noon, pati ang gamutin ang sarili mo âpag nagkasakit ka. Walang ibang tutulong saâyo kundi ang sarili mo, ika nga buhay mo, sarili mo, problema mo sarilihin mo. Wala kang ibang mapag abihan ng sama ng loob kasi baka yung taong mapagsabihan mo eh siya pa ang babaliktad saâyo later on. Mahirap ding magtrabaho na mag-isa kung âdi mo nakasayan. Mabuti pa sa Pinas kapag nahirapan ka, call 911 sa mga kaibigan okey na. Magagawa mo rin agad ang trabaho mo sa Pinas, compare dito na 'mind your own business' talaga. Mahirap mag-adjust sa environment na hiram, lalo na sa pagkain. Masuwerte nga kami kasi libre at masarap ang pagkain. Pero yun nga lang, yun at yun pa rin naman daily 3x a day ang kinakain. Meron diyan ang tinatamaan ng alta presyon, uric acid, âdi na makatayo at makalakad, tumataas ang level ng sugar, tamaan sa bato dahil sa maalat na pagkain at tubig, tapos ang allergy sa malansa na aking kaso naman. Kaya tiis na lang sa noodles âpag sinumpong ang allergy.
Hangad ko lang na sana ay wala na rin sanang mga âepal" at mapanirang kapwa Pinoy sa abroad, wala na sanang naaabusong Pinoy sa abroad, wala nang nagbubuwis ng buhay, wala nang Pinoy na mawawalay sa piling ng pamilya, at wala na ring mapipilitan na iwan ang kanyang bansa para mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya.
Marami, maraming experiences ang mai-encounter at matututunan dito sa abroad, at kung mamalasin pa ay buhay ang magiging kapalit ng pagsasakripisyo dito. Sinasabi ng ating gobyerno na poproteksyonan ang kalagayan ng mga nasa abroad, pero ano nga baât kabi-kabila ang inaabuso at namamatay dahil sa bulok na sistema na mayroon tayo. Kaya't masuwerte na lang âpag ang nasa abroad ay makabalik ng buhay at kumita na ng malaking pera. Iyan ang kapalit ng dugo't-pawis at pagsasakripisyo at malayo sa piling ng mga minamahal mo. Ang mahirap pa niyan, âpag-uwi mo ay titingalain kang mayaman kasi nga galing ka sa abroad, dolyar ang tingin sa pagkatao mo. Pero âdi nila alam kung saan nga ba napunta at saan naipundar ang perang kinita sa loob ng ilang taon sa kontrata o pamamalagi sa abroad. Tapos kung kulang pa ang maibigay mo sa kanila ay ikaw pa ang masama. Ganunpaman, mas pipiliin pa rin namin ang mag-abroad at malayo sa pamilya kaysa naman gutumin at lalong maghirap ang pamilya ng bawat isa sa amin. Kung sana ang sistema ng gobyerno natin ay para talaga sa mamamayan, hindi na sana tayo mamuhunan ng dugo't pawis o âdi kaya ay mamumuhunan ng buhay sa abroad. Hangad ko lang na sana ay wala na rin sanang mga âepal" at mapanirang kapwa Pinoy sa abroad, wala na sanang naaabusong Pinoy sa abroad, wala nang nagbubuwis ng buhay, wala nang Pinoy na mawawalay sa piling ng pamilya, at wala na ring mapipilitan na iwan ang kanyang bansa para mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Para sa akin, ilan lamang 'yan sa kahulugan at mayroon sa salitang "abarod." Sana ang batong ibinato sa langit, ang tamaan ay huwag magagalit. Peace po para sa lahat! â GMANews.TVBong Carlo Allardo Ang kahulugan sa akin ng salitang 'abroadâ (1)Kamusta mga Kapuso! Sanaây hindi kayo magsawa sa pagtangkilik sa ating pitak na ito. Habang may mga kababayan tayo sa abroad - pati ang kanilang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na kabahagi ng kanilang buhay - na nais magpaabot ng kanilang saloobin mananatili po ang inyong Kwentong Kapuso. Katulad ng dati, hindi kami magsasawa na basahin ang inyong mga kuwento - maigsi man o mahaba. Kahit na ang laman nito ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, magsumbong, magpatawa o kahit nagpapalipas lang ng oras. Kaya hihintayin namin ang inyong mga email na maaari ninyo itong ipadala sa Pinoyabroad@gmanews.tv Sa mga kababayan namin saan mang dako ng mundo, saludo po kami sa inyo. Mabuhay kayo mga masigasig naming Kapuso sa abroad!