ADVERTISEMENT
Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad
Tree planting certificate kailangan na sa mga magpapakasal
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
BALITANG AMIANAN â Kung inaakala mong hindi importante ang pakikiisa sa kalikasan tulad ng pagtatanim ng puno para ka maikasal sa Pangasinan, nagkakamali ka. Sa bayan ng San Jacinto sa lalawigan ng Pangasinan, kabilang na ang tree planting certificate sa mga kinakailangang dokumento para makakuha ng marriage license. Sa bisa ng ipinasang ordinansa, kabilang na ang sertipikasyon ng pagtatanim ng puno sa mga papeles na kailangang isumite sa municipal civil registry office bago makakuha ng lisensiya sa pagpapakasal. Ayon kay San Jacinto mayor Robert de Vera, ang ordinansa ay ipinatupad nila bilang kontribusyon nila sa pagbibigay halaga sa kalikasan. Idinagdag pa niya na kakaunti na rin lang ang natitirang puno sa kanilang lugar. Sinabi naman ni Nimfa Domagas, pinuno ng municipal civil registry office, na mahigpit nilang ipinatutupad ang naturang ordinansa. Bukod sa San Jacinto, inuobliga rin sa bayan ng Rosales, Pangasinan ang mga nagpapakasal na magsumite ng tree planting certificate, maliban sa birth certificate ng mga ikinasal, cedula at iba pang dokumento, para makakuha ng marriage certficate. â Balitang Amianan
Tags: bagosapinas
More Videos
Most Popular