ADVERTISEMENT
Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad

An OFW (long) Love Story (4)


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

(Karugtong) Umalis na sila (pamilya ko) papunta sa bahay ng magiging asawa ko (na asawa ko ngayon). Nagpaiwan ako sa town dahil mayroon akong kailangan e-encode, gumawa ako ng written agreement para dun sa ibang kasunduan. Sa mga oras na ‘yun wala na akong kabang nararamdaman. Dahil sigurado na akong makakasal na kami, lalo na kapag naibigay ko na ang napagkasunduang halaga ng dowry sa araw ng engagement party namin. Nagtext ang magiging asawa ko, “Hon, nasaan ka na, nandito na ang lahat?" Nangiti ako: “Dito ako sa isang Internet Café, tatapusin ko lang itong ginagawa kong written agreement para don sa churva," reply ko sa kanya.


Pumasok ako, may mga tao pati sa ibaba. Pero walang pumapansin sa akin, siguro hindi nila alam na ako ang lalaking may tadyang kung saan hinugot ang kanilang anak.
– Habib
Pagkatapos kong gawin ang churva agreement. Dumaan muna ako sa isang school supplies store para bumili ng plastic folder. Nag-abang ako ng taxi (pero tricycle lang): “Saan po kayo?," tanong ng mama. “ Sabi ko naman: “Doon, doon kung saan ang langit, ihatid mo ako doon." Pero hindi ‘yan totoo, hindi ko lang maalala ang linya ko. Habang nasa biyahe kami, wala akong nararamdaman kahit na kakapiranggot na kaba man lang sa buong katawan ko. Hindi ko alam kung bakit, na-e-excite pa nga ako e, excited akong makita ako nang angkan ng magiging asawa ko, exicted akong harapin sila. Dumating kami kung saan nakatira ang langit ko. Bumaba ako mula sa taxi (tricycle) at binayaran ko, “Keep the change, thank you." (ang tarussshh). Nakikita kong marami ang mga bisita, huminga muna ako nang malalim… exhale…inhale….“It’s showtiiiiime!!.!" Pumasok ako, may mga tao pati sa ibaba. Pero walang pumapansin sa akin, siguro hindi nila alam na ako ang lalaking may tadyang kung saan hinugot ang kanilang anak. Umakyat ako, at habang pumapanhik ako sa hagdan ay naririnig kong may nagsasalita, kilala ko ang boses, at alam ko ang mga sinasabi niya. Ipinapakilala niya ang angkan namin sa madlang people na nasa okasyon na ‘yun. Tumuloy na ako at naupo sa malapit sa may pintuan, nakitabi ako sa isang lalaki at nakangiti akong nakipagkamay sa kanya, “Kuya, kamusta po?" sabi ko. “Sa awa ng Diyos, mabuti naman" sagot niya sa akin. Parang wala rin siyang idea kung sino ako, naisip ko, “siguro hindi rin niya kilala na ako ang madadagdag sa pamilya nila." Hindi na ako nagsalita, at nakita ako ng tatay ko. Tumango lang ako sa kanya na parang nagsasabi ng, “Waz up dude?" Gumanti din siya ng tango sa akin na parang nagsasabi, ng “Yo mother-father!!!" Maya-maya ay napansin ako ng nagsasalita sa harap ng mga bisita. Tinapos niya ang kanyang speech, nagtanong kung may tumututol ba. Sa hindi inaasahan pangyayari may biglang tumayong babae at nagsusumigaw, “Ako! Hindi puwedeng makasal si Habib at si Nhorj, manloloko ‘yang si Habib, dami na niyang sinaktan, at isa na ako dun. Hindi ako papayag na makasal siya ng ganun-ganun lang, ako lang! Ako lang ang may karapatan sa kanya."

Narinig kong nag-suggest ang uncle ko, “Palabasin ang inyong anak upang makita namin." Na-excite ang lahat ng bisita lalo na ang mga kamag-anak ko, may mga bumubulong na parang bubuyog pero hindi ko maitindihan. Naging maingay na parang may lalabas na prinsesa, halatang sabik ang lahat.

Nagulat ang lahat at pati na rin ikaw na nagbabasa nito, dahil hindi naman totoong ‘yan (hehehe). Narinig kong nag-suggest ang uncle ko, “Palabasin ang inyong anak upang makita namin." Na-excite ang lahat ng bisita lalo na ang mga kamag-anak ko, may mga bumubulong na parang bubuyog pero hindi ko maitindihan. Naging maingay na parang may lalabas na prinsesa, halatang sabik ang lahat. Ilang sandali ay lumabas na nga ang isang mala-prinsesang babae (para sure), blooming, pati ako ay natulala sa kagandang nakikita ng aking mga mata. Nagslow-motion na naman ang mundo ko, siya lang ang nakikita ko, wala akong ibang marinig kundi ang pagtibok ng puso ko na parang nakakonekta sa kanya. Lalong lumakas ang loob ko, lalong naging kumpiyansa ako sa aking sarili, lalong naging panatag na ako. Nahihiya siyang humarap sa mga bisita, ipinakilala siya ng kanyang pamilya, sabay naman na may humirit rin mula sa mga bisita, “Nasaan ang lalaki na gustong mag-asawa? Gusto rin namin makita." Sigurado akong galing ’yun sa kampo niya. Na-excite sa narinig ko, hindi ko alam kung bakit? Kusa na akong tumayo sabay-taas ang kanang kamay ko, at sinabayan ko rin ng aking super smile, sabay sabing, “Present!." Tawanan ang lahat. Lahat nakatingin sa akin, lahat nakangiti. Pero mas marami ang tumatawa, hindi ko alam kung natutuwa ba sila sa akin o basa lang ang kili-kili ko. Pagkatapos kumain ng lahat ay umuwi na ang pamilya ko pati ang ilang bisita nila. Naiwan ako sa kanila upang tumulong asikasuhin ang wedding naming. April 22, 2010 ang engagement party at April 25, 2010 ang nakatakdang araw ng kasal, how cool ‘di ba? Ang malupit pa, May 5 ay kailangan ko nang bumalik sa aking trabaho (sa Saudi Arabia). Ang igsi nang oras, kaya halos lahat ay dinaan na sa mabilisan. Wala na ang dream wedding ko, lalo na ng asawa ko. Basta sa mga oras na ‘yun, ang importante sa amin ay makasal na kami.

Kinikilig ako tuwing naiisip kong magiging asawa ko na ang mahal ko. Nanlalamig ang kalamnan ko sa kilig, Oh my gosshh, I am so excited, huh? Ang saya-saya talaga.

April 23, 2010, hapon, kakakuha ko lang sa invitation card namin na parang birthday card lang. Rush kasi kaya ang pinaka-simple at pinakamadaling gawin ang nai-order naming. Walang choices, sa April 25 na ang araw ng kasal. Ang lupit, sobrang kulang ang oras namin, buti pa ang pag-ibig mayroon isang linggong, pero sa kasal naming, dalawang araw lang to prepare (wow, English). Parang pagpapakuha lang ng pictures sa isang studio, at pagkuha ng order sa isang Jollibee drive thru ang nangyari sa kasal naming…mabilisan. Rent pa lahat ng mga ginamit naming damit, OMG! Hindi ‘yun ang pangarap ko para sa kasal namin ng asawa ko. Pero kahit ganun pa man, masaya pa rin kami ng magiging asawa ko dahil matutuloy na ang pag-iisang dibdib at pag-iisang labi namin. Kakaiba pala ang feelings kapag malapit na ang kasal mo. Masakit sa panga sa kakangiti, parang lahat ng mga taong nakikita ko ay nakangiti na rin. At lahat ng nasa paligid ko ay masaya kahit mga alaga kong manok. Kinikilig ako tuwing naiisip kong magiging asawa ko na ang mahal ko. Nanlalamig ang kalamnan ko sa kilig, Oh my gosshh, I am so excited, huh? Ang saya-saya talaga. Hindi ako makapaniwala sa mga oras na ‘yon. Habang namamasyal ang isip ko sa wonderland ay isinusulat ko naman sa aming invitation card ang mga pangalan ng imbitado sa aming kasal. Oh my, kalokray talaga….so heaven. Wedding day… April 25, 2010, 1:00 pm. Dapat nandon na ako sa function hall kung saan kami ay ikakasal. Araw ng linggo, maaga akong gumising, siyempre para marelaks at para may sapat na oras upang magawa at maihanda ang mga dapat gawin na orasyon. (Itutuloy)- GMANews.TV Habib An OFW (long) Love Story (1) An OFW (long) Love Story (2) An OFW (long) Love Story (3) Ano ang kwento mo? Mga Kapuso, tuloy ang kwentuhan. Sana’y hindi kayo magsawa sa pagtangkilik sa ating pitak na ito. Habang may mga kababayan tayo sa abroad - pati ang kanilang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na kabahagi ng kanilang buhay - na nais magpaabot ng kanilang saloobin, mananatili po ang inyong Kwentong Kapuso. Katulad ng dati, hindi kami magsasawa na basahin ang inyong mga kwento - maigsi man o mahaba. Kahit na ang laman nito ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, magsumbong, magpatawa o kahit nagpapalipas lang ng oras. Kaya hihintayin namin ang inyong mga email na maaari ninyo itong ipadala sa Pinoyabroad@gmanews.tv Sa inyo mga kababayan namin saan mang dako sa mundo, kami po'y saludo sa inyo. Kaya ilabas ang iyong saloobin, ikuwento mo Kapuso