ADVERTISEMENT
Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad
TULA: EDSA ng Kasaysayan
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
EDSA ng Kasaysayan ni Rodel M. Jaboli Mahigit dalawampung taon na ang nakalilipas, Isang pangyayaring nagpabago sa bansang Pilipinas Mga Pilipinong sama-samang nag-aklas Lumabas sa lansangan at ipinakita ang buong lakas Maitaboy lamang ang diktadurang nagpamalas Nang hirap at sumikil sa damdaming wagas Ng bawat mamamayang naghahangad lamang na mailabas Ang katotohanan nang masilayan ang kalayaang ikinubli ng mga nasa itaas. Diktaduryang nagpasasa sa ganid ng kapangyarihan, Habang ang bayan ni Juan ay lunod sa kahirapan Di alintana ang ibaât ibang panawagan ng lipunan Ang iisang sigaw na pumapailanlang sa kapuluan âTama na , Sobra na ! Dapat palitan na! " Nagkibit- balikat na lamang ang pinunong nasa kinaluluklukan Di natinag bagkus mga bibig ay binusalan Ng mga pumipiglas sa sinturon ng pamahalaan.
Bumuhos ang masaganang luha ng pighatiât, dalamhati dahil sa hagupit ng panggigipit ang ibaây pinatahimik marahil tuluyan nang iniligpit Upang kahintakutan ng ibang magpupumilit Na putulin ang mala-gintong sungay at buntot Ng mga abusado doon sa palasyo na nakadikit na parang lumot Ang ibaây ikinulong sa bakal na rehas upang dooây mamilipit hayaang malugmok sa sahig upang sa lamig mamaluktot Tuluyan nang nagngitngit ang poot sa dibdib ng mga Pilipino Di na nakatiis at mistulang bulkang nag-alburuto Sama-samang nagkaisa upang hingin ang pagbabago Magkakapit-bisig na hinarap ang mga magigiting na sundalo Kanyon laban sa bulaklak, baril laban sa rosaryo Ngunit kahit anong panangga di nagpatalo Dahil sa pagmamahal sa tunay na nasyonalismo. Isang mapayapang rebolusyon ang naganap, sa isang iglap Nagpatalsik sa rehimeng Marcos na walang kahirap-hirap Di magkamayaw ang ngiti na umabot sa alapaap Sa bawat Pilipinong umasang malalanghap Ang karapatang- pantao na ninakaw ay naibalik nang ganap Narinig ang himno ng pagpupunyagi na nagdulot ng sarap Sa panlasa ng mga Pilipinong gutom sa adhikaing pinapangarap para sa inang bayan na binulag ng mga nalasing na mapagpanggap. Buong mundoây tumutok, namangha sa katapangan Ng mga Pilipinong may pagmamahal sa bayang sinilangan Hinangaan dahil walang dugong dumanak sa pag-aalsa ng bayan Na naging hudyat para manumbalik ang demokrasyang nilalayon Ang mapayapang rebolusyon sa EDSA dapat alalahanin Nakasulat bilang isa sa kagila-gilalas na pangyayari sa ating kasaysayan Bahagi ng buhay ng bawat mamamayang may pagmamahal sa kalayaan At magtatanggol upang manatiling abot-tanaw ang ating karapatan. - GMA News Ano ang kwento mo? Mga Kapuso, tuloy ang kwentuhan. Sanaây hindi kayo magsawa sa pagtangkilik sa ating pitak na ito. Habang may mga kababayan tayo sa abroad - pati ang kanilang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na kabahagi ng kanilang buhay - na nais magpaabot ng kanilang saloobin, mananatili po ang inyong Kwentong Kapuso. Katulad ng dati, hindi kami magsasawa na basahin ang inyong mga kwento - maigsi man o mahaba. Kahit na ang laman nito ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, magsumbong, magpatawa o kahit nagpapalipas lang ng oras. Kaya hihintayin namin ang inyong mga email na maaari ninyo itong ipadala sa Pinoyabroad@gmanews.tv Sa inyo mga kababayan namin saan mang dako sa mundo, kami po'y saludo sa inyo. Kaya ilabas ang iyong saloobin, ikuwento mo Kapuso!

Tags: kwentongkapuso
More Videos
Most Popular