Gasolina, naka-pre-paid card na rin
Hindi na lang tawag sa cell phone ang naka-pre paid ngayon. Dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo, pati ang pagbili ng gasolina, nakapre-paid card na rin. Ayon kay Rey jimenez, brand group manager ng kumpanyang Sea Oil, inilunsad nila ang pre-paid gasoline upang matulungan ang mga motorista at makaakit ng mas maraming kliyente. Sa pre-paid card, nakapako sa P52 per liter ang halaga ng gasolina. Kaya ang card na may markang 20 liters, ang presyo nito ay papatak ng P1,040. Kaya naman kahit daw pumalo sa P80 per liter ang presyo ng produkto, hindi gagalaw o magbabago ang halagang nakatala sa biniling pre-paid card.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV May bisa ang naturang card hanggang Mayo. At kung bigla namang bumaba ang presyo ng gasolina na mas mababa sa presyong nakatala sa card, hindi pa rin lugi ang motorista. âSakali namang ang presyo ng gasolina ay bumaba sa P52 per liter ang igaga-gas po namin sa kanila ay ang amount ng card na binili nila," paliwanag ni Jimenez. Sa taong ito, walong beses ng nadagdagan ang presyo ng mga produktong petrolyo ngayong 2011. Ang halaga ng diesel, napatungan na ng P6.60 per liter, habang P5.50 per liter naman sa gasolina. Pinapangambahan na baka lumala pa ang problema sa presyo ng mga produktong petrolyo dahil sa mga nagaganap na kaguluhan sa mga bansang pinagmumulan nito tulad sa Middle East at Libya. - FRJimenez, GMA News