ADVERTISEMENT
Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad

Solar bulb, sagot sa mahal na bayarin sa kuryente


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Plastic bottle + water + sunlight = ilaw. May solusyon na sa mataas na bayarin ng kuryente kapag malakas ang konsumo sa ilaw sa inyong bahay. Sa ulat ni GMA News reporter Kara David, ipinakita nito kung gaano kaapektibo ang itinurong teknolohiya ng Rotary Club at entrepreneur na si Illac Diaz sa mga residente ng Sitio Maligaya sa San Pedro, Laguna. Sa bahay ni Mang Demetrio Bukas, kahit tirik ang araw sa labas ay ubod pa rin ng dilim sa loob ng kanyang bahay. Kailangan daw niyang magpatay ng ilaw at magtiis sa dilim para makamenos sa binabayarang kuryente. Kung bukas daw kasi ang ilaw sa bahay ng maghapon at magdamag, umaabot sa P1,700 ang bayarin niya sa kuryente. Gastusin na hindi umano niya kakayanin kaya kung minsan ay napuputulan sila ng kuryente.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Ayon kay Diaz, ang teknolohiyang solar bulb o liwanag ng plastic bottle mula sa sikat ng araw ay kinapapalooban ng tinatawag na refraction. Ang liwanag na mula sa araw ay dadaloy sa tubig na nasa botelya at kakalat na pailalim. Ang kailangan lamang: malinis na transparent plastic bottle, purified water, bleach, kapirasong yero at sealant. Ilalagay ang purified water at bleach sa bote; bubutasan ang bubong (sa sukat na kasyang ilusot ang bote) sa bahagi ng bahay na kailangan ang liwanag. Pagkatapos ay ilulusot (ng patayo) sa butas ang kalahating bahagi ng plastic battle. At pagkatapos ang lagyan ng sealant ang mga puwang bubong upang hindi tumulo ang tubig kapag umulan. Ang naturang teknolohiya ay ginagamit na sa Brazil at Mexico. At batay umano sa mga pag-aaral, sa panahon na matindi ang sikat ng araw, ang liwanag na dadaan sa plastic bottle o solar bulb ay katumbas ng 50 watts ng isang bumbilyang de kuryente Nakakabawas umano ng halos kalahati sa konsumo ng kuryente ang naturang teknolohiya. Ngunit bukod sa makakatipid sa binabayarang kuryente, sinabi ni Vice Mayor Norvic Solidum, na makatutulong ang proyekto para mabawasan ang mga basura dahil ang plastic bottle na itinuturing basura ay mapapakinabangan pa. - Fidel R Jimenez, GMA News

Tags: bagosapinas