ADVERTISEMENT
Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad

Inflatable waterworld sa Laguna


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Hanap mo ba’y makulay at iba’t ibang disenyo ng poll at slide para magtampisaw sa tubig ngayong summer? Puntahan na ang sikat na theme park sa Sta Rosa, Laguna. Makikita na rin sa Enchanted Kingdom ang kauna-unahang world-class inflatable water park na tinawag na EK BiKi Waterworld. Ilan sa disenyo ng mga higanteng inflatable slides ay ang octopus, dragon at pating. Mayroon din itong pool na hindi man kasing lalim, ay kasing lawak naman ng ginagamit sa Olympics.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Ayon kay Blue Reyna, ng Enchanted Kingdom, ang inflatable water park ay magandang destinasyon para sa mga bakasyunista na hindi nais mapagod sa malayong biyahe para makapagbabad sa beach. Tinatayang tatagal lamang ng 30 minuto ang biyahe papuntang theme park mula sa Makati City. Tinitiyak ng pamunuan ng inflatable water world na ligtas, malinis at mag-eenjoy ang pamilya sa bagong atraksiyon na ito. - Fidel R Jimenez, GMA News