ADVERTISEMENT
Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad

Pasyon sa online 'Visita Iglesia' ng CBCP


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA – Inilunsad ng Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP) ang pinahusay na Visita Iglesia online para sa mga deboto na hindi kayang magpunta sa mga simbahan ngayong Semana Santa. Pero paglilinaw ni Msgr. Pedro Quitorio III, media director ng CBCP, ang "Visita Iglesia online" ay hindi dapat maging katwiran upang hindi magtungo sa mga simbahan ang Katoliko kung kaya rin lang naman na gawin. Aniya, ang online Visita Iglesia ay para sa mga Pilipino na nasa labas ng Pilipinas tulad ng mga overseas Filipino workers, at mga may kapansanan na hindi na kaya ng katawan na bumiyahe. “The liturgy is a community act and being so it is most meaningfully celebrated in the context of the community or the parish," paghikayat ni Quitorio. Noong nakaraang taon, dinagsa ng mga deboto ang lumang online Visita Iglesia partikular noong Good Friday at Black Saturday na naging dahilan ng pagbagal para mabuksan o makita ang naturang website. Ilang pagbabago na makikita sa bagong edisyon ng online Visita Iglesia ay ang introductory YouTube video ni Quitorio, at ang tradisyunal na ‘Pasyon.’ Kabilang sa mga atraksiyon sa online Visita Iglesia ay ang pagtalakay sa pitong simbahan (Featured Churches) sa Metro Manila: - Manila Cathedral - San Agustin Church - Minor Basilica of the Black Nazarene (Quiapo Church) - San Lorenzo Ruiz Church (Binondo Church) - Sta. Cruz Church - Nuestra Señora de Remedios (Malate Church), at - Our Lady of Perpetual Help Shrine (Baclaran Church). Bahagi rin ng bagong online Visita Iglesia ang catechesis, catechesis on the Holy Week, at the Seven Last Words. — FRJ, GMA News
Tags: bagosapinas