ADVERTISEMENT
Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad
Kabataan sa panahon ng digmaan
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Kabataan Sa Panahon Ng Digmaan Ni Francis Morilao Wala silang kamuwang-muwang sa nagaganap na digmaan Wala silang pakialam sa nangyayari sa sanlibutan. Kahit anong paliwanag ang sabihin Nagkalat man ang babasahin Paglalaro ang gusto nilang gawin pagkatapos na sila'y magsikain. Ngunit anong hiwaga mayroon sila Na nakapagbibigay ng pag-asa Masdan mo ang munting bata Hahayaan mo bang silay maging biktima? Magulo ang iyong sinasambit O pinagulo mo ang iyong pag-iisip Wala ka na bang masabing matuwid Puro negatibo ang 'yong bukambibig. Daig mo pa ang pusakal na walang dangal Na patuloy na nagdadasal sa maykapal Kailan ka makakalaya sa kulungang bakal Na salat sa kaalaman at pagmamahal. Nakuha mo pang humarap sa madla Ibinabandila ang kapal ng mukha Nakikihalubilo at nakikitawa Nangyayari sa paligid ay hindi alintana. Ikaw ba'y katulad din ng paslit Na mata ay kusang ipipikit At diwa ay dagling iwawaglit Na kasing mangmang ng pag-iisip? Dila ko man ngayon ay matabil 'Pagkat hindi ka naman inutil Damhin mo ang aking pagsupil Sa kalikuang iyong ipinapaskil. Kabataan ay pahalagahan Lalong lalo na sa panahon ng digmaan 'Pagkat sila'y sa Ama ay may katuwiran Kababaan ng loob ang taglay nilang alam. â GMA News Tungkol sa may-akda: Si Francis Morilao ay isang manggagawang Pinoy na nasa Doha, Qatar. Sa pamamagitan ng GMANews.TV/KwentongKapuso, nais niyang maibahagi ang kanyang mga nalikhang tula sa kanyang mga kababayan. Mababasa ang mga ito kanyang blog na mga kathang isip ni Kiko. Ano ang kwento mo? Mga Kapuso, tuloy ang kwentuhan. Sanaây hindi kayo magsawa sa pagtangkilik sa ating pitak na ito. Habang may mga kababayan tayo sa abroad - pati ang kanilang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na kabahagi ng kanilang buhay - na nais magpaabot ng kanilang saloobin, mananatili po ang inyong Kwentong Kapuso. Katulad ng dati, hindi kami magsasawa na basahin ang inyong mga kwento - maigsi man o mahaba. Kahit na ang laman nito ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, magsumbong, magpatawa o kahit nagpapalipas lang ng oras. Kaya hihintayin namin ang inyong mga email na maaari ninyo itong ipadala sa Pinoyabroad@gmanews.tv Sa inyo mga kababayan namin saan mang dako sa mundo, kami po'y saludo sa inyo. Kaya ilabas ang iyong saloobin, ikuwento mo Kapuso!
Tags: kwentongkapuso, bataan
More Videos
Most Popular