ADVERTISEMENT
Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad
‘Porta-pool’ iikot sa Tondo, Manila ngayong summer
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Ilang âportable pool" ang naisipang gawin sa Tundo, Maynila para dito na lamang magtampisaw ang mga kabataan kaysa mag-swimming sa peligrosong tubig ng Manila Bay. Ang mga residente sa Brgy 228 sa Tundo ang unang nakinabang sa mga portable pool, ayon sa ulat ng GMA New reporter na si Cesar Apolinario.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Dahil pahirapan umano ang tubig sa naturang barangay, masaya ang mga bata na nagbabad sa mga pool, na iikot sa mga barangay sa Tundo ngayong panahon ng summer. Inaasahang na ang naturang proyekto ay makababawas sa mga taong maliligo sa mabaho at maruming tubig ng Manila Bay. Ngunit kahit ipinagbawal na ang paliligo sa Manila Bay, may ilang kabataan pa rin na nakita ang GMA News na lumalangoy dito. Babala ng Department of Health, ang paliligo sa maruming tubig ng Manila Bay ay maaaring pagmulan ng mga sakit sa balat at maging cholera at typhoid. - FRJimenez, GMA News

Tags: bagosapinas
More Videos
Most Popular