ADVERTISEMENT
Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad

Ang 'Awit Ng Isang Ina'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Ang awit ng isang ina ay hindi magiging ganap na musika kung hindi tayo sasabay sa kanilang himig. Simulan mong pakinggan ang kaibuturan ng iyong puso, may naririnig ka ba? Bigyang-laya ang bawat pagtibok nito at maririnig ang malamyos na himig na may kaugnayan sa ating pagkatao.Isang awit na punong-puno ng pag-ibig na nagmumula Sa Awit Ng Isang Ina.


Bigyang-laya ang bawat pagtibok nito at maririnig ang malamyos na himig na may kaugnayan sa ating pagkatao.Isang awit na punong-puno ng pag-ibig na nagmumula Sa Awit Ng Isang Ina.

-- Rodel
May lambing, banayad at tigib nang makukulay na pangarap ng isang ina para sa kanyang anak na tinatangi. Bawat himig ay mayroong kurot sa damdamin na sumasalamin sa buhay at pag-ibig ng isang ina. Damhin mo ang bawat kataga ng kanilang awitin. Isaisip, isapuso at kung maaari ay sumabay sa kanilang himig, sapagkat ito’y hindi magiging ganap na musika kung hindi makikiisa sa kanila. Ililipad ka ng kanilang awitin sa iyong pangarap at ipakikita sa iyo ang tunay kagandahan ng buhay. Ang awit ng isang ina ay sumasabay sa agos ng buhay. Panahon ng kasiyahan, kalungkutan at kabiguan. Magkaiba man ng panahon, ito’y hindi nangangahulugan upang sila ay tumigil sa pag-awit. Sila’y magpapatuloy sapagkat ang lahat ng iyan ay bahagi ng mga titik ng kanilang awitin. Ngunit sa likod nito ay nakatago ang takot at pangamba ng isang ina. Kapag humiwalay sa himig ng kanilang awitin, ito’y nagiging ingay sa pandinig na magiging dahilan upang malihis at maligaw ang anak. Sa panahon ng pagdadalamhati ay patuloy na maririnig ang awit saan mang dako. Hindi titigil upang muling marinig ang napahiwalay na anak, ang kanyang himig, dala ang panalangin na sana'y muling sumabay sa, 'Awit Ng Isang Ina.' - GMA News Rodel M Jaboli Ano ang kwento mo? Mga Kapuso, tuloy ang ating kwentuhan. Sana’y hindi kayo magsawa sa pagtangkilik sa ating pitak na ito. Habang may mga kababayan tayo sa abroad - pati ang kanilang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na kabahagi ng kanilang buhay - na nais magpaabot ng kanilang saloobin, mananatili po ang inyong Kwentong Kapuso. Katulad ng dati, hindi kami magsasawa na basahin ang inyong mga kwento - maigsi man o mahaba. Kahit na ang laman nito ay naglalabas ng inyong saloobin, walang mapagsabihan ng sikreto, o kaya naman nais magbigay ng inspirasyon, gustong magpayo, magsumbong, magpatawa o kahit nagpapalipas lang ng oras. Kaya hihintayin namin ang inyong mga email na maaari ninyong ipadala sa Pinoyabroad@gmanews.tv Sa inyo mga kababayan namin saan mang dako sa mundo, kami po'y saludo sa inyo. Kaya ilabas na ang iyong saloobin, ikuwento mo Kapuso!