We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Greetings po mula dito sa Doha, Qatar. Nais ko lang po na ibahagi sa inyo ang naging experience ko rito sa Doha nang namatay ang father ko rito. Magkakasama po kami ng pamilya ko rito mula noong taong 2003. Sa hindi po inaasahang pagkakataon ay nagpaalam nang maaga ang aking ama dahil sa aksidente sa trabaho. Nahulog po siya sa 4-meters high na hukay ng water pipeline project nila at nauna ang kanyang ulo at tumama sa semento, na naging sanhi ng kanyang kamatayan.
Bilang panganay, ako ang nag-ayos lahat ng mga kailangan para maiuwi ang kanyang bangkay sa Pilipinas upang makita po ng aming mga kamag-anak bago siya ilibing. Bukod sa mahirap ang pagproseso sa pag-uuwi ng bangkay, mayroon pang mas nagpahirap sa aming karanasan.
â John M.
Bilang panganay, ako ang nag-ayos lahat ng mga kailangan para maiuwi ang kanyang bangkay sa Pilipinas upang makita po ng aming mga kamag-anak bago siya ilibing. Bukod sa mahirap ang pagproseso sa pag-uuwi ng bangkay, mayroon pang mas nagpahirap sa aming karanasan. Ito po ay ang pagkuha ng kanyang pera at mga naging huling suweldo at insurance mula sa kanyang account sa bangko. Dito sa Middle East, medyo mahirap makipag-communicate sa mga government employees dahil sa language barrier. Kaya kakailanganin po ang tulong ng ating embahada dito sa Doha. Sa akin pong paghingi ng tulong sa kanila ay nalaman ko ang mga papeles na kakailanganin para makuha ang pera ng aking ama sa bangko. Ngunit ang batas po dito sa Qatar, ang pera ng mga namatay ay mapupunta sa custody ng Ministry of Family Affairs at ang magbibigay ng order para i-release ang pera ay ang Sharīâah Court po lamang. After na maibigay sa akin ang mga documents na kakailanganin, bumulong sa akin ang isang opisyal ng Philippine Embassy at nagsasabing, âmahirap makuha ang pera na âyan kung hindi tayo kukuha ng Qatari lawyer." Kailangan din daw na magbayad ng 30 percent ng makukuhang pera para sa serbisyo ng opisyal ng embassy.
Pumunta ako sa Sharīâah Court mag-isa kahit na ako ay hindi marunong mag-Arabic. Mula po doon ay napag-alaman ko ang tamang proseso na hindi na kailangan magbayad kahit kanino upang makuha ang pera. Hindi rin kailangan ng Qatari lawyer sa ganitong mga kaso na taliwas sa sinasabi ng opisyal ng Philippine Embassy.
Nagulat ako sa hangarin ng opisyal ng embahada natin. Namatayan ka na nga ng magulang, uunahin pa ang kapakanan ng sarili sa maling paraan. Wala na pong hiya ang iba sa kanila, pera lang ang mahalaga sa kanila kaysa makatulong sa OFW na kagaya namin. Dahil po sa aking galit, ako ay nag-walk out at sinabi kong hindi na ako muling hihingi ng tulong sa Philippine Embassy. Pumunta ako sa Sharīâah Court mag-isa kahit na ako ay hindi marunong mag-Arabic. Mula po doon ay napag-alaman ko ang tamang proseso na hindi na kailangan magbayad kahit kanino upang makuha ang pera. Hindi rin kailangan ng Qatari lawyer sa ganitong mga kaso na taliwas sa sinasabi ng opisyal ng Philippine Embassy. After 6 months po nang pagdinig sa kaso, natapos din at lumabas na ang release order ng pera. Salamat po sa tulong ng Qatar Government. Ang masamang ugali at sistemang bulok sa ating gobyerno ang nagpapahirap sa ating mamamayan at sa mga OFW na kagaya namin. Sana po ay gampanan ng mahusay ang trabaho ng ating mga opisyal sa embahada sa ibaât ibang bansa at tumulong nang maayos sa mga OFWs. Huwag sanang puro pangungurakot. Umaasa po ako na mababasa ng mga kinauukulan ang aking maikling karanasan. Lubos na gumagalang. - GMA NewsJohn M.Ano ang kwento mo? Mga Kapuso, tuloy ang ating kwentuhan. Sanaây hindi kayo magsawa sa pagtangkilik sa ating pitak na ito. Habang may mga kababayan tayo sa abroad - pati ang kanilang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na kabahagi ng kanilang buhay - na nais magpaabot ng kanilang saloobin, mananatili po ang inyong Kwentong Kapuso. Katulad ng dati, hindi kami magsasawa na basahin ang inyong mga kwento - maigsi man o mahaba. Kahit na ang laman nito ay naglalabas ng inyong saloobin, walang mapagsabihan ng sikreto, o kaya naman nais magbigay ng inspirasyon, gustong magpayo, magsumbong, magpatawa o kahit nagpapalipas lang ng oras. Kaya hihintayin namin ang inyong mga email na maaari ninyong ipadala sa Pinoyabroad@gmanews.tv Sa inyo mga kababayan namin saan mang dako sa mundo, kami po'y saludo sa inyo. Kaya ilabas na ang iyong saloobin, ikuwento mo Kapuso!