Pictures pwedeng ‘makita’ ng mga bulag sa bagong libro
Sa tulong ng bagong libro na tinawag na âtouch" o âpicture" book, maaari nang makakita ng larawan ang mga taong may kapansanan sa paningin o visually impaired sa pamamagitan ng pagsalat. Sa programang Good News sa GMA News TV 11, sinabing umaabot sa 3.7 milyon ang bilang ng mga Pilipino na visually impaired o may kapansanan sa paningin, batay sa talaan ng Resources for the Blind. Dahil sa kanilang kapansanan, hindi sila nagkaroon ng pagkakataon na masilayan ang magagandang tanawin sa paligid lalo na kung mula pa lamang sa kanilang pagsilang ay hindi na sila nakakakita.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Pero sa tulong ng teknolohiyang galing sa England, may paraan na para kahit papaano ay âmakakita" ang mga may kapansanan sa paningin. Ito ay sa pamamagitan ng pagsalat na katulad na ginagawa nila sa pabasa ng mga letra sa paraan ng braille. Ayon kay Annette Lee Esparaz, Rotary Club San Jose Del Monte, ang naturang teknolohiya na galing sa UK ay wala pa sa US pero nakarating na ngayon sa Pilipinas. âThis is totally new thing, itâs a picture book. Itong klaseng material na âto is developed in UK, in England. Even the US wala pa siya. So ang ginawa natin binili natin ang material, itong material is alcohol embedded material. Itong material ido-drawing mo siya, pagkatapos ng drawing mo ipapasok mo sa heating machine. Tapos magpa-pop up siya parang two dimensional," paliwanag ni Esparaz. Si Nanay Lilibeth, may anak na may kapansanan sa paningin, masaya at laking pasasalamat sa proyekto dahil nagkaroon ng pagkakataon ang kanyang anak na maisalarawan ang mga bagay o tanawin sa paligid katulad ng bundok. Pahayag naman ng estudyanteng si Rachel Estrella, para na rin siyang nakakakita kapag nakakahawak ng touch o picture book. Sa ngayon, 100 set na ng touch book ang naipamahagi sa mga paaralan para sa mga may kapanansanan sa paningin. Kaya naman excited daw ang mga mag-aaral na magamit ito dahil magkakaroon na sila ng pagkakataon na makakita ng mga larawan sa pamamagitan ng pagsalat. â FRJimenez, GMA News