We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Suportado ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagsusulong sa batas na magbibigay proteksyon sa mga kasambahay sa bansa, ayon sa ulat ni Bernadette Reyes sa â24 Oras" nitong Sabado. "We will launch a very strong advocacy or information campaign on what the domestic convention ILO 189 is all about, and to what extent will it benefit our domestic helpers," ani DOLE Secretary Rosalinda Baldoz. Tinutukoy niya ang International Labor Organization Convention No. 189 kung saan kabilang sa mga nakasaad dito ay ang karapatan ng mga kasambahay. Napapaloob sa batas na ito ang pagbibigay proteksyon sa mga kasambahay laban sa pagmamalupit at ang pagkakaroon ng kontrata sa pagitan ng amo at kasambahay kung saan nakalagay kung magkano ang sahod at kung kailan ito makukuha.
May tamang oras din dapat ang trabaho at kung susobra ay kailangan ng overtime pay. Mayroon din dapat na annual leave with pay at dapat may sapat na pahinga sa trabaho ang mga kasambahay. Ayon sa Samahan at Ugnayan ng mga Manggagawang Pantahanan sa Pilipinas (SUMAPI), isa ang mga kasambahay na may pinakamababang sweldo. "Maging sa konsultasyon na aming ginagawa, kasama ang aming mga miyembro, andoon pa rin po sobrang baba ng sweldo, walang day-off, sobrang haba ng trabahao, halos walang pahinga," ani Lilibeth Masamloc, pangulo ng SUMAPI, Mayroong halos dalawang milyong kasambahay sa Pilipinas na umaasa na magkaroon ng batas na mag-aalaga sa kanilang mga karapatan, ayon sa ulat. - Amanda Fernandez/KBK, GMA News